^

PSN Palaro

Pinoy squad sibak na sa FIBA 3x3

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bigong umusad sa quar­terfinals ang Gilas Pilipinas sa 2016 FIBA 3x3 World Championships sa Guangzhou, China.

Tinapos ng Pinoy squad ang group stage tangan ang 2-2 rekord para sa ikatlong puwesto sa Pool C.

Lumasap ng nakapanlulumong 16-18 kabiguan ang Gilas sa Hungary bago tinapos ang kampanya nito sa pamamagitan ng 21-8 demolisyon laban sa Poland sa huling araw ng eliminasyon.

Nauna nang nanaig ang Gilas kontra Romania (21-19) ngunit yumuko ito sa Spain (19-21).

Nanguna sa grupo ang Spain na may malinis na 4-0 rekord kasunod sa ikalawa ang Hungary na may 3-1 marka.

Nasa ikaapat naman ang Romania na nagtala ng 1-3 kasunod sa hulihan ang Poland na walang naipanalo sa apat na laro.

Tanging ang Spain at Hungary lamang ang umusad sa knockout stage

Sina Mac Belo, Karl Dehesa, Glenn Khobuntin at Russell Escoto ang naglaro para sa Gilas.

Hindi na nakapaglaro si Escoto dahil sa tinamong shoulder injury.

Ang iba pang pumasok sa quarters ay ang top seed Serbia, fourth pick USA, fifth seed Netherlands at No. 16 Qatar.

Nakuha ng Serbia (4-0) at Qatar (3-1) ang unang dalawang puwesto sa Pool A gayundin ang USA (4-0) at Netherlands (3-1) sa Pool D. (CCo)

vuukle comment

FIBA 3X3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with