^

PSN Palaro

Baldwin: Gilas mahahasa sa European trip

Maine Manalansan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaasa si Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin na mahahasa ang kanyang bataan sa kanilang 21-day European trip.

At sa oras na bumalik na ito sa bansa, isang solidong koponan na ang haharap sa buong sambayanan at handang iwagayway ang bandila ng Pilipinas sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa Hulyo 5 hanggang 10 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Alam ni Baldwin na hindi pa naaabot ng Gilas Pilipinas ang pinakamagandang porma nito.

Subalit tiwala ang mahusay na mentor na mapa-plantsa ang lahat sa kanilang trai­ning camp sa Europe dahil malayo sa anumang distraksiyon ang kanyang bataan hindi gaya ng kanilang pagsasanay sa Maynila.

Malaking punto rin aniya ang pagtutulungan ng bawat isa mula sa coaching staff hanggang sa huling miyembro ng koponan upang maisakatuparan ang kanilang inaasam na tagumpay.

Nagpasalamat din ito sa mga tagahanga ng Gilas Pilipinas na walang sawang sumusuporta sa Pambansang koponan.

“Not nearly far enough, but that’s a by-product of time together. (To the Filipino basketball fans), thank you for your prayers, thoughts and support. The power of your passion will be the Gilas wings upon which we will fly to face our foe,” wika ni Baldwin sa kanyang Twitter account.

Sasailalim sa matin­ding pagsasanay ang Gilas Pilipinas sa Greece, Turkey at Italy kasabay ang ilang tune-up games.

Kasama nito sina Andray Blatche, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Ranidel de Ocampo, Marc Pingris, Troy Rosario, Gabe Norwood, Calvin Abueva, Jeff Chan, Jayson Castro, LA Tenorio, Ryan Reyes, Terrence Romeo at Bobby Ray Parks Jr.

 

vuukle comment

PETS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with