^

PSN Palaro

14 Gilas players nasala na ni Baldwin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Taliwas sa inaasahan ng lahat na gagawin ni head coach Tab Baldwin sa isang send-off noong Miyerkules, inihayag ni Gilas Pilipinas team manager Butch Antonio ang Final 14 sa pamamagitan ng Twitter kahapon ng umaga.

Ang mga ito ay sina naturalized center Andray Blatche, June Mar Fajar­do ng San Miguel, Jayson Castro, Ranidel de Ocampo, Troy Rosario at Ryan Reyes ng Talk ‘N Text, Gabe Norwood at Jeff Chan ng Rain or Shine, Marc Pingris ng Star, Calvin Abueva ng Alaska, Japeth Aguilar at LA Tenorio ng Barangay Ginebra, Terrence Romeo ng Globalport at two-time UAAP MVP Bobby Rayray  Parks Jr.

Tanging ang 6-foot-3 na si Parks, ang two-time UAAP MVP, ang miyembro ng Gilas cadets na isinama ni Baldwin sa Final 14 na sasailalim sa isang 21-day training sa Europe.

“We need to learn to adapt to game situations. We just haven’t had a lot of time together, so both our weakness against the zone and our inability to adapt quickly really demonstrates that we need time together. We need more games,” wika ni Baldwin.

Sa naturang mga pla­yers ay dalawa ang ilalagay sa reserve list.

Si San Miguel shooter Marcio Lassiter ay hindi isinama sa koponan dahil sa pagkakaroon ng bronchopneumonia.

Ihahayag sana nina Baldwin at Antonio ang Final 14 matapos ang 81-70 panalo ng Gilas Pilipinas laban sa Iran sa kanilang tune-up game noong Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Ngunit ipinagpaliban ito nina Baldwin at Antonio.

Nakatakdang magtu­ngo ngayon ang Nationals sa Greece at didiretso sa Turkey para sa kanilang training bago sumabak sa isang pocket tournament sa Italy.

Ito ay bilang paghahanda ng Gilas Pilipinas para sa 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament sa July 5-10 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang Manila OQT ay lalahukan din ng France, New Zealand, Canada, Senegal at Turkey.

Ang naturang qualifying tournament ang pinakahu­ling tsansa ng Pilipinas para makapitas ng tiket sa 2016  Olympic Games sa Rio de Janeiro Brazil sa Agosto.

Kahanay ng Gilas Pi­­lipinas sa Group B ng Manila QQT ang France at New Zealand, habang nasa Group A ang Turkey, Canada at Senegal.

Unang makakaharap ng Gilas Pilipinas ang France, pangungunahan ni San Antonio Spurs’ point guard Tony Parker, sa Hul­yo 5 kasunod ang New Zealand kinabukasan sa nasabing six-team qualifier kung saan ang magkakampeon ang makakakuha ng Olympic spot para sa 2016 Rio Games. (RCadayona)

vuukle comment

COMELEC

ELECTION

SOCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with