^

PSN Palaro

Last Fight

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Nagsimula nang mamaalam si Manny Pacquiao.

Sa kanyang mga speech sa Los Angeles at New York nung nakaraang linggo, nilinaw niya sa lahat na ang kanyang parating na laban kay Timothy Bradley ay ang huli na niyang fight.

“This is my last fight,” sabi ni Pacquiao.

Pinalad tayong makasama sa press tour na nakalipas at sa loob ng limang araw ay nakasama si Pacquiao sa dalawang press conference sa US.

Inamin niya na mahirap na desisyon ang kanyang ginawa.

Malulungkot din daw siya oras na iwan na niya ang boxing dahil ito nga naman ang kanyang naging buhay sa loob ng 20 taon.

Tumatakbo bilang Senador si Pacquiao para sa darating na eleksyon at kung papalarin ay no choice na raw siya kundi mag-retire bilang isang boxer.

“Mami-miss ko rin ang boxing,” sabi pa niya.

Pati ang kanyang promoter na si Bob Arum ay nagpahiwatig na ng kalungkutan sa pagretiro ni Pacquiao.

Pinasalamatan na niya, ngayon pa lang, si Pacquiao, na nagdulot ng labis na excitement at kasiyahan sa mga boxing fans, lalu na sa mga Pinoy.

“Thanks for everything,” sabi ni Arum.

Maging si Jinkee Pacquiao, ang asawa, ay  nagsabing halong lungkot at ligaya ang pagreretiro ni Pacquiao.

Matagal na raw niyang ipinagdarasal na magretiro na si Pacquiao. Sa kanya, safety ng asawa ang iniisip niya. Maraming laban na ang pinagdaanan niya.

Ayaw makita ni Jinkee na tamaan si Pacquiao ng isang malubhang karamdaman dulot ng boxing.

Ang dagdag na dasal lang ni Jinkee ay sana raw totohanan na ito.

Wala nang “I shall return.”

vuukle comment

ACIRC

ANG

BOB ARUM

JINKEE

JINKEE PACQUIAO

LOS ANGELES

NEW YORK

NIYA

PACQUIAO

TIMOTHY BRADLEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with