^

PSN Palaro

Altas, Generals ikakasa ang titular showdown; Lady Chiefs tatapusin na ang Lady Blazers

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena)

2 p.m. Perpetual vs Benilde (M)

4 p.m. Arellano vs Benilde (W)

MANILA, Philippines – Target ng nagdedepensang Arellano University na masungkit ang huling tiket sa finals sa pakiki­pagtipan nito sa College of Saint Benilde ngayong hapon sa stepladder semifinals ng NCAA Season 91 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Lady Chiefs at Lady Blazers sa alas-4 ng hapon.

Hawak ng Arellano ang twice-to-beat advantage matapos makuha ang se­cond seed sa pagtatapos ng eliminasyon kaya’t isang panalo na lamang ang kakailanganin nito upang maipormalisa ang kanilang pagbabalik sa finals.

Ang Benilde naman ay galing sa 16-25, 25-19, 25-11, 25-21 panalo laban sa University of Perpetual Help System Dalta sa u­nang do-or-die game ng stepladder semis.

Matikas na nasandalan ng Lady Blazers sina Janine Navarro at Rayna Musa na kapwa bumira ng 15 puntos habang sumuporta si middle blockek Jeanette Panaga na nagdagdag ng 11 puntos.

Tiyak na ibubuhos ng Arellano ang buong pu­wersa nito dahil hindi mada­ling kalaban ang Benilde.

Umabot sa limang sets ang bakbakan ng Lady Chiefs at Lady Blazers sa huling araw ng eliminasyon kung saan kinailangan muna ng Arellano ng ma­lakas na puwersa sa huling bahagi ng laro bago itarak ang 25-20, 22-25, 28-30, 25-18, 19-17 pahirapang panalo.

Mangunguna sa ratsada ng Arellano sina Jevielyn Grace Prado, Danna Henson at Shirley Salamagos katuwang sina setter Rhea Ramirez at libero Jan Shayne Galang.

Ang magwawagi sa pagitan ng Lady Chiefs at Lady Blazers ang makakasagupa ng San Sebastian College na nauna nang umusad sa finals bunsod ng impresibong nine-game sweep sa eliminasyon.

Dahil sa matamis na sweep, ang Lady Stags ay magtataglay ng thrice-to-beat advantage sa finals.

Sa men’s division, sisi­kapin ng reigning titlist Emilio Aguinaldo College at Perpetual Help na maitakda ang kanilang titular showdown sa pagharap sa magkahiwalay na kalaban.

Sasagupain ng Altas ang St. Benilde Blazers sa alas-2 ng hapon matapos ang upakan ng Generals at San Beda Red Lions sa alas-12 ng tanghali.

Naagaw ng EAC ang top spot nang kanilang gibain ang Perpetual, 21-25, 25-20, 25-17, 25-19 na naglaglag sa Las Piñas-based spikers sa No. 2.

Sa pagbandera ni reig­ning MVP Howard Mojica sa Generals, inaasahang paborito itong manalo sa Lions.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG BENILDE

ARELLANO

ARELLANO UNIVERSITY

BENILDE

COLLEGE OF SAINT BENILDE

LADY

LADY BLAZERS

LADY CHIEFS

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with