^

PSN Palaro

Texters hahagip ng bonus vs Batang Pier

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum)

4:15 p.m. Talk ‘N Text vs Globalport

7 p.m. Star vs Blackwater

 

MANILA, Philippines – Tatargetin ng Talk ‘N Text ang isang ‘twice-to-beat’ advantage, habang palalakasin naman ng Star ang kanilang tsansa sa quarterfinal round.

Lalabanan ng Tropang Texters ang Globalport Batang Pier ngayong alas-4:15 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Hotshots at Blackwater Elite sa alas-7 ng gabi sa 2015 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Parehong nanggaling sa kabiguan ang Talk ‘N Text at Star na naghulog sa kanilang baraha sa 5-4 at 3-7, ayon sa pagkakasunod.

Bagama’t nakakuha na ng ‘twice-to-beat’ bonus sa quarterfinals ay pupuntiryahin pa rin ng Globalport (7-3) ang kanilang pang-limang sunod na arangkada.

“Going to the playoffs kailangan matibay yung team,” sabi ni coach Pido Jarencio sa paghahanda ng kanyang Batang Pier, nanggaling sa 118-116 overtime win laban sa Mahindra noong Disyembre 12, sa quarterfinals.

Nakalasap naman ang Texters ni mentor Jong Uichico ng 84-97 ka­biguan sa nagdedepensang San Miguel Beermen (9-2) sa kanilang huling laro.

Sina Terrence Romeo, Stanley Pringle, Jay Wa­shington, Joseph Yeo, Doug Kramer at Billy Mamaril ang muling sasandalan ng Globalport katapat sina Jayson Castro, Ryan Reyes, Kelly Williams, Larry Fonacier at rookies Moala Tautuaa at Troy Rosario ng Talk ‘N Text.

Sa ikalawang laro, pipilitin naman ng Star, nagmula sa 83-101 pagyukod sa Barako Bull noong Dis­yembre 13, na talunin ang Blackwater para tuluyan nang angkinin ang No. 9 seat sa quarterfinals.

Ngunit inaasahang magpipilit ang Elite, umiskor ng 116-92 panalo sa Energy noong Disyembre 11 para tapusin ang kanilang five-game losing skid, na manalo dahil sa pagha­hangad na makopo ang No. 10 spot.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARAKO BULL

BATANG PIER

BILLY MAMARIL

BLACKWATER ELITE

DISYEMBRE

DOUG KRAMER

GLOBALPORT

N TEXT

SMART ARANETA COLISEUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with