^

PSN Palaro

Tigers handa sa mas pisikal na hamon ng Tams sa do-or-die game

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Back-to-zero ang serye ng University of Santo Tomas at Far Eastern University kaya’t asahan ang mas pisikalang laro sa do-or-die game ng University Athletic  Association of the Philippines Season 78 men’s basketball best-of-three championship series.

Ito ang inihayag ni UST head coach Bong Dela Cruz matapos maitabla ng kanyang bataan ang serye sa pamamagitan ng 62-56 panalo kontra sa FEU sa Game 2 noong Sabado.

Ang naturang panalo ang nagsilbing matamis na pagresbak ng Growling Tigers makaraang yumuko ang mga ito sa Game 1, 64-75.

Bagamat pumanig sa kanilang teritoryo ang mo­mento, sinabi ni Dela Cruz na walang puwang ang pahinga sa pagkakataong ito kaya’t balik ensayo agad ang kanyang tropa upang matiyak na handang-handa ang mga ito sa usaping pisikal at mental bago sumabak sa pinaka-importanteng giyerang  kanilang hahara­pin sa taong ito.

“Game 3 will be very physical. Mental toughness kaya dapat handa kami. Yung mga bata palaban talaga,” ani Dela Cruz.

Nagdeklara si Finals Most Valuable Player candidate Kevin Ferrer na ibubuhos na nito ang kanyang huling lakas upang magkaroon ng magarbong pagtatapos ang kaniyang karera sa liga.

“All out na. Isang game na lang kaya ibibigay na namin ang lahat,” sambit ni Ferrer na siyang pangunahing sinandalan ng Growling Tigers sa kanilang panalo sa Game 2 kung saan humataw ito ng 29 puntos tampok ang anim na three-pointers.

Kailangan lang ng UST na mapanatili ang mataas na intensidad nito partikular na ang mga beteranong sina Karim Abdul, Ed Daquioag at Louie Vigil para maisakatuparan ang kanilang inaasam na kampeonato.

Kung magwawagi ang UST, mapapantayan nito ang FEU sa unahan ng listahan bilang winningest team sa liga hawak ang 19 korona.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES SEASON

BONG DELA CRUZ

DELA CRUZ

ED DAQUIOAG

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINALS MOST VALUABLE PLAYER

GROWLING TIGERS

KARIM ABDUL

KEVIN FERRER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with