Taekwondo age group tourney iniurong sa December 5-6
MANILA, Philippines – Dahil sa kawalan ng venue ay nagdesisyon ang pamunuan ng Philippine Taekwondo Association (PTA) na kanselahin ang 2015 Meralco/MVP Sports Foundation National Age Group (free sparring) at PLDT Home Ultera Poomsae Taekwondo Championships na dapat gawin ngayong Nobyembre 14 at 15.
Ang inasintang palaruan na Ninoy Aquino Stadium at Rizal Memorial Coliseum sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex ay sarado at gagamitin ito bilang headquarters ng mga security personnel na itatalaga habang idinadaos ang APEC Leaders’ Meeting.
Dahil dito, ang kambal na kompetisyon ay gagawin na lamang sa Disyembre 5 at 6.
Tinatayang nasa 1,500 jins ang sasali sa dalawang araw na kompetisyon na kabibilangan ng mga manlalaro edad apat na taon.
- Latest