^

PSN Palaro

Bored to death

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Sadsad ang pay-per-view numbers ng laban ni Floyd  Mayweather Jr. kay Andre Berto nung nakaraang Linggo sa Las Vegas.

Hindi bumenta.

Para sa iba, mataas ang bilang na 400,000 na ba­hay na nagbayad ng halos $75 o P3,500 para mapanood ang laban ng live at walang commercial.

Hindi masyado uso rito sa atin ang pay-per-view dahil ang mga laban ni Pacquiao ay napapanood natin ng libre sa TV. Delayed lang nga at tadtad ng commercial.

Maraming dahilan kung bakit sumadsad ang huling laban ni Floyd, na sanay sa milyunang bilang sa PPV.

Ang labanan nila ni Pacquiao nung May 2 ay bumenta ng 4.4 million PPV hits.

Unang-una, hindi gusto ng tao ang piniling kalaban ni Floyd. Sa simula pa lang, alam na ng lahat na walang chance manalo si Berto.

Maliban na lang kung tinali ang mga kamay ni Floyd sa baywang niya.

Sinabi pa naman ni Floyd na farewell fight niya ito pero pumili pa rin siya ng bulok na kalaban. Mabuti pa kangaroo na lang ang nilabanan niya.

Marami naman puwedeng labanan gaya ni Amir Khan. Naniguro si Floyd na hindi madudungisan ang record niya.

Takot matalo.

Pangalawa, nagsawa na rin siguro ang tao sa style ni Floyd kaya hindi nila binili ang laban

Hindi exciting.

Sabi nga ni Pacquiao boring. May video pa si Pacquiao habang lumalaban si Floyd na nakahiga sa kama, naglalaro sa cell phone.

Walang gana.

Isa pang dahilan ay ang issue laban kay Floyd sa drug-testing, na baka may tinatagong kalokohan. Naka-apekto rin siguro ito sa benta ng laban.

Sayang ang last fight ni Floyd.

Alang kwenta.

vuukle comment

ACIRC

AMIR KHAN

ANDRE BERTO

ANG

BERTO

FLOYD

HINDI

LABAN

LAS VEGAS

MAYWEATHER JR.

PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with