^

PSN Palaro

Sa 2015 Singapore Invitational Swimming Championship 8 bagong records sinira ng PSL Tankers

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walong bagong records at 117 medalya ang inani ng delegasyong ipi­nadala ng Philippine Swimming League (PSL) sa idi­naos na 2015 Singapore Invitational Swimming Championship na ginawa sa Singapore Island Country Club.

Sa bilang ng medal­yang napanalunan ay 36 rito ay ginto para mahigitan din ang prediksyon na mag-uuwi ang mga manlala­ngoy ng hindi bababa sa 30 ginto.

Humakot din ng 50 pilak  at 31 tansong medalya ang mga pambato ng PSL tungo sa pagpapalawig sa tatlong sunod na taon ang pagiging overall champion ng delegasyon.

“Ito ang unang pagkakataon na lahat ng swimmers na ipinadala namin ay nag-uwi ng medalya. Ito ay dahil determinado ang mga swimmers at ang mga coaches ay talagang sinuportahan sila sa ma­gandang pagsasanay,” wi­ka ni PSL president Susan Papa.

Nanguna sa mga manlalangoy ay sina Micaela Jasmine Mojdeh (girls’ 8-9), Kyla Soguilon (10-11), Gian­na Millen Data (girls’ 16-17) at Charize Es­mero (girls’ 12-13) na hu­makot ng tig-limang gintong medalya.

Nagposte rin ng bagong records sina Mojdeh at So­guilon at ang una ay lumunod ng marka sa 100m breaststroke (1:34:85) at 50m butterfly (36.42), habang ang huli ay umukit ng  record sa 100m backstroke (1:16:78).

Ang lumaban sa boys 14-15 age group na si Sean Terence Zamora ang may pinakamara­ming records sa bilang na li­ma na nakuha mula sa 100m butterfly (1:01:27), 100m backstroke (1:02:95),  200m IM (2:16:75), 50m backstroke (29.48) at 100m freestyle (55.78).

Si Joseph Schooling, isang multi-gold medalist sa Incheon Asian Games at Singapore SEA  Games, ang dating record holder sa naunang apat na events, habang ang huli ay dating ha­wak ni Teo Zhen Ren ng China.

Ang kampanya ng de­legasyon ay pinatingkad nina Mojdeh at Soguilon na kinilala bilang Most Out­standing Swimmers katulad nina Marc Bryan Dula at Lee Grant Cabral.

“It was really a great feeling that we have swimmers who won the MOS award considering that the field is tough with the participation of members of the Singapore national junior team. Kaya tala­gang masaya kaming lahat sa resulta sa kampanya natin,” dagdag ni Papa na pinasa­lamatan din ang suportang ipinakita ni dating Senadora Nikki Coseteng.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHARIZE ES

INCHEON ASIAN GAMES

ITO

KYLA SOGUILON

LEE GRANT CABRAL

MARC BRYAN DULA

MICAELA JASMINE MOJDEH

MILLEN DATA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with