^

PSN Palaro

Sa kabila ng kanyang edad Pacquiao taglay pa rin ang lakas at liksi

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maisasantabi ng bilis at liksi sa pagkilos ang edad ni Manny Pacquiao upang magkaroon siya ng magandang tsansa na manalo laban kay Floyd Mayweather Jr.

Ito ang pakiwari ni Ruslan Provodnikov na dating naka-sparmate ni Pacquiao at kasama sa kampo ni Freddie Roach na kumbinsidong mabibigyan niya ng ma­gandang laban ang pound-for-pound king.

“Maybe Manny is a little bit older, maybe he’s not as hungry as when he was before but I think he still has the speed and agility. He still has a lot of the qualities he’s had before,” wika ni Provodnikov sa Ontheropesboxing.com

Kaya nga naikukumpara niya ang mega-fight na ito sa  isa sa mga hinangaang laban nina Muhammad Ali at Joe Frazier dahil may magkaibang istilo ang dalawang boksingero na tinitingala sa mundo ng welterweight division.

“I think Manny is going to give it all in this fight and that’s what it’s going to make it a real exciting fight,” dagdag nito.

Hindi rin siya nagbigay ng anumang prediksyon sa kung sino ang mangingibabaw pero naroroon ang suporta niya sa Pambansang Kamao na isa niyang kaibigan.

Si Pacquiao ay nakatakdang tumulak ngayon pa­tungong US para simulan ang mas masinsinang pagsasanay sa Wild Card Gym.

Hindi rin nagpapabaya si Mayweather dahil ang kanyang training camp ay magbubukas na sa Mayo 2.

Ang kanyang ama na si Floyd Mayweather Sr. at tiyuhing si Roger ang magtutulong sa pagsasanay sa walang-talong American boxer.

Pero isa sa may mahalagang papel dito ay ang kanyang conditioning coach na si Alex Ariza na dating nagsilbi kay Pacquiao.

Kumbinsido si Ariza na kayang-kaya ni Mayweather ang laban kontra kay Pacquiao dahil bukod sa kanyang mga ipagagawa ay tunay na talentado ang pound-for-pound king.

vuukle comment

ALEX ARIZA

FLOYD MAYWEATHER JR.

FLOYD MAYWEATHER SR.

FREDDIE ROACH

JOE FRAZIER

MAYBE MANNY

MAYWEATHER

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with