^

PSN Palaro

Pacquiao makakasalo si Prince Harry sa hapunan sa Buckingham Palace

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa wakas ay matutupad na ang isa pa sa mga pi­­napangarap ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao -- ito ay ang makaharap ang isang miyembro ng Royal Fa­mily.

Mula sa United States ay magtutungo si Pacquiao, ka­sama ang asawang si Jin­kee, sa London pa­ra ma­kasalo sa isang ha­pu­nan si Prince Harry sa Buckingham Palace.

Ang pagbiyahe ni Pacquiao ay mula sa imbitas­yon sa kanya ng Prinsipe.

Matapos ang hapunan kung saan maaari nilang ma­kasama si Queen Elizabeth ay ipapasyal ni Prince Harry si Pacquiao sa loob ng Buckingham Palace.

Ito ang unang pagkaka­taon na makakapasok ang 36-anyos na Filipino bo­xing superstar sa nasabing kaharian.

Noong 2008 sa kanyang media tour para sa pro­mosyon ng banggaan ni­la ni Ricky Hatton ay na­sa­bik si Pacquiao matapos sabihin na ang kanyang ti­nutuluyang Park Lane ho­tel ay malapit lamang sa Buckingham Palace.

May mga bagay ding nag­kakapareho sina Pacquiao at Prince Harry, anak ng namayapang si Princess Diana.

Ang 36-anyos na si Pac­quiao at ang 30-anyos na si Prince Harry ay kapwa may military background.

Si Pacquiao ay lieute­nant colonel sa Philippine Ar­my Reserve at hinirang na honorary commodore sa Philippine Coast Guard, ha­bang si Prince Harry ay ka­pitan sa British Army at napabalitang ipinadala sa Afghanistan para makipag­laban bukod pa sa pagtulong sa tropa sa Gurkha upang sagupain ang mga Ta­liban rebels.

Aktibo rin sa sports si Prince Harry sa kanyang pag­­lalaro ng skiing, polo, mo­tocross, football at rug­by.

Hindi naitago ni Pacquiao ang paghanga sa mga Hari at Reyna.

Sa katunayan ay isinu­nod niya ang pangalan ng kanyang anak na si Queenie kay Queen Elizabeth.

Ang isa niyang anak na Princess ang pangalan ay halaw kay Princess Diana.

vuukle comment

BRITISH ARMY

BUCKINGHAM PALACE

PACQUIAO

PARK LANE

PRINCE HARRY

PRINCESS DIANA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with