^

PSN Palaro

International Tennis supertars nagpasiklaban sa IPTL manila leg Sharapova binihag ang puso ng Pinoy fans

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa unang pagkakataon ay nagtanghal sa Pilipinas ang pinakamahuhusay na tennis players sa buong mundo.

Ipinarada ng Manila Ma­vericks, Singapore Slam­mers, Indian Aces at UAE Royals ang mga kagaya nina world wo­men’s top two players Serena Williams at Maria Sharapova at men’s top three netters na sina Andy Murray, Tomas Berdych at Marin Cilic.

Kasama rin sa grupo sina Kristina Mladenovic, Goran Ivanisevic, Carlos Moya, Jo-Wilfred Tsonga, Marin Cilic at Nenad Zimonjic at Daniela Hantuchova.

Hindi naman nakasama sa grupo sina Novak Djokovic at Roger Federer na naglaro sa ibang bahagi ng IPTL, samantalang may injury si  Rafael Nadal.

Hindi na nakapagtataka na hindi ito tinangkilik ng mga Filipino tennis fans dahil sa sobrang taas ng halaga ng tiket.

Halagang P2,500 ang dapat mong ilabas para makaupo sa General Admission, habang aabot naman sa P49,000 ang pres­yo ng tiket sa VIP section.

Sa kabila ng konting nanood ay ipinakita pa rin ni Sharapova ang kanyang husay matapos talunin si Mladenovic, 7-3, para sa panalo ng Manila Ma­vericks sa opening day ng IPTL na idinaos sa Mall of Asia Arena sa Pasay City noong Nobyembre 28.

Inamin ni Sharapova, ang women’s world No. 2 player, matagal na niyang gustong pumunta sa Pilipinas.

“The Philippines has always been a place that I’ve wanted to visit,” sabi ng 27-anyos at 6-foot-2 lady netter. “I always knew that I had a huge fan base in the Philippines, and it’s one of the biggest reasons why I came here.”

Sinabi ni Sharapova, ang five-time Grand Slam singles champion, na kaagad niyang sinamantala ang pagkakataon na makabisita sa bansa nang mabalitaan ang IPTL.

“I usually don’t play too many exhibition matches in the off-season, but when I heard that I had the opportunity to come to Manila and play for my fans here, I thought it would be a great opportunity,” pahayag pa ng Russian.

Kagaya ni Sharapova, isang bagong eksperyensa rin para kay Williams ang makapaglaro sa harap ng kanyang mga Filipino fans.

“The reaction was really nice and was really overwhelming,” wika ng 33-an­yos na si Williams. “To play in front of you guys is really my honor.”

Samantala, nakita naman sa aksyon si Filipino doubles veteran Treat Huey na nakipagtambal kay Tsonga sa kanilang 4-6 kabiguan kina Cilic at Zimonjic.

Natalo rin sina Murray at Sharapova kina Mla­denovic at Zimonjic, 4-6.

Itinuring naman ni International Premier Tennis League managing director Mahesh Bhupathi na naging matagumpay ang kanilang event.

“With the kind of high we started off here in Manila we can safely say that we’re off to a good start,” wika ni Bhupathi sa Manila leg ng IPTL.

Matapos ang Manila leg ay nagtungo ang mga aksyon ng IPTL tour sa Singapore, New Delhi at Dubai.

 

vuukle comment

ANDY MURRAY

CARLOS MOYA

DANIELA HANTUCHOVA

GENERAL ADMISSION

GORAN IVANISEVIC

GRAND SLAM

MANILA MA

MARIN CILIC

SHARAPOVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with