Pagbabago sa format ng AFF Suzuki Cup sisimulan sa 2015
MANILA, Philippines – Magkakaroon ng pagbabago sa format ang mga susunod na edisyon ng Asean Football Federation (AFF) Suzuki Cup bukod pa sa pagkakaroon ng bagong home-and-away set-up.
Ito ang posibleng magbigay sa Philippine Azkals at iba pang partisipante ng pantay na dami ng mga laro sa kanilang balwarte.
Ayon kay Philippine Football Federation (PFF) president Nonong Araneta, nauna na nilang napag-usapan nina Maj. General Kiev Sameth, Dato’ Worawi Makudi at Viphet Shihachakr ang pagbabago ng format ng biennial meet at pagdaragdag ng mas maraming home games.
“We expect more home games. We were discussing that in the (future) Suzuki Cup, we might go now for a home-and-away format from the qualifiers, instead of one host (nation), which is actually better,” wika ni Araneta.
“We’ve seen in the qualifiers that if the home team doesn’t play, there’s no crowd and it’s not good for the sponsors. At least with home-and-away, there will be support for the home team,” dagdag pa nito.
Sa kasalukuyang setup, ang isang bansa ang magho-host ng qualifying tourney kasunod ang paghahati ng dalawang bansa ng dalawang laro sa two-bracket final group stages.
Ginagamit naman ang home-and-away format sa semis at finals.
Para sa 2014, ang Laos ang namahala sa qualifiers, habang ang Vietnam at Singapore ang nagdaos ng mga laro sa Group A at Group B, ayon sa pagkakasunod.
Sa council decision ng AFF noong nakaraang taon, ang Cambodia ang mangangasiwa sa qualifiers sa 2016 at ang Pilipinas at Myanmar ang tatayong co-host ng tournament proper.
- Latest