^

PSN Palaro

Batang bilyarista wagi ng medalya sa World Jr. Pool Championships

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May  mga maaasahang manlalaro ang Pilipinas para ipalit sa mga hinahangaan ngayon tulad nina Dennis Orcollo at Rubilen Amit.

Ito ang ipinakita nina Jeffrey Roda at Cheska Centeno nang nanalo ng pilak at bronze medals sa idinaos na World Junior Pool Championships sa Shanghai, China.

Ang 15-anyos na si Roda na pumangatlo sa Asian Junior Pool Championships sa Chinese Taipei noong Agosto ay minalas na na-scratch sa 15th rack at ang iskor ay 7-all.

Agad na kinapitalisa ito ni Kong De-Jing ng China at inisa-isa ang pasok sa bola tungo sa 8-7 tagumpay at kilalaning world champion sa Under-17 category.

Si Centeno na tulad ni Roda ay isang Palarong Pambansa champion at nagkampeon sa Asian Championship sa Taipei ay hindi nakabangon mula sa 1-4 panimula laban kay 2012 champion Kamila Kohd-Jaeva Belguim tungo sa 5-9 pagkatalo sa semifinals sa girls division.

Hindi naman pinalad si Kohd-Jaeva na mapanatili ang kampeonato matapos ang 9-3 pagyuko kay Liu Yu Chen ng China.

Wala mang titulo na na­iuwi, masaya si BSCP president Arturo Ilagan sa ipinakita ng dalawang batang cue artists.

“Sa kanilang murang edad ay nakakapaghatid na sila ng karangalan sa bansa. Kaunting pagsasanay pa at exposures, na­­kikita ko na kaya nilang maging world champions sa hinaharap,” wika ni Ilagan.

vuukle comment

ARTURO ILAGAN

ASIAN CHAMPIONSHIP

ASIAN JUNIOR POOL CHAMPIONSHIPS

CHESKA CENTENO

CHINESE TAIPEI

DENNIS ORCOLLO

JEFFREY RODA

KAMILA KOHD-JAEVA BELGUIM

KONG DE-JING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with