Cowboys at cowgirls aagaw ng eksena sa Masbate Rodeo Festival
MANILA, Philippines - Magkikita-kita ang mga cowboys at cowgirls mula sa iba’t ibang rantso sa Masbate para sa 21st Rodeo Festival na inorganisa ng Rodeo Masbateño Inc. (RMI).
Nangako ang Rodeo Masbateño Inc.(RMI), nag-oorganisa ng taunang Rodeo Festival sa probinsya ng Masbate, ng kapana-panabik na mga aksyon sa Rodeo events.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay itinatag ng RMI ang Rodeo Festival 2014 Management Team para matiyak na magiging matagumpay ang event na maaalala ng mga local at international tourists.
Ang Rodeo Festival 2014 sa Masbate ay nagsimula noong March 30 at matatapos sa Abril 13.
Inaasahan ng RMI na humigit-kumulang sa 45 koponan ang maglalaban sa siyam na events sa National Rodeo Finals.
- Latest