^

PSN Palaro

Lalaban sa Malaysia at Azerbaijan sa friendly game, 28-man lineup ng Azkals pinangalanan na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinangalanan na kahapon ang 28 manlalaro na siyang bubuo sa Azkals na lalabanan ang Malaysia at Azerbaijan sa International Friendly Games sa Marso 1 at 8.

Sa Selayang Municipal Council Stadium gagawin ang laro laban sa Malaysia na siyang unang kompe­tisyon ng Azkals sa pamumuno ng bagong coach na si German-American coach Thomas Dooley.

Ang aksyon sa Azerbaijan ay gagawin sa Dubai, UAE at ito ang kauna-una­hang pagkakataon mula 1997 na makakalaro ng Pilipinas ang isang European football team.

Ang Estonia ay bumi­sita sa Pilipinas noong 19­97 at natalo ang Nationals sa 1-0 iskor.

Tig-16 players ang da­dalhin sa dalawang friendlies at sina Marwin Angeles, Nate Burkley, Simon Greatwich, Andrew Liauw, Nick O’Donnell  at Ed Sacapano ang mga mangunguna sa Malaysia.

Sina Neil Etheridge, Jerry Lucena, Paul Mulders, Roland Muller, Javier Patino at Stephan Schrock ang magdadala sa kopo­nan laban sa Azerbaijan.

Ang iba pang ilalaban sa Malaysia ay sina Phil at James Younghusband, Martin Steuble, Mark Hartmann, OJ Porteria, Patrick Reichelt, Anton Del Rosario, Ruben Doctora, Rob Gier, Chris Greatwich, Juani Guirado, Amani Aguinaldo, Misagh Bahadoran, Jeff Christiaens, Kenshiro Daniels  at Jason de Jong.

Ang magkapatid na Younghusband, kasama sina Steu­ble, Reichelt, Maulders, Gier, Guirado, Hartmann, Chris Greatwich, Ba­hadoran, Aguinaldo, Christiaens, De Jong, Del Rosario at Doctora ay lalaro rin sa Azerbaijan.

Hanap ni Dooley na makita kung paano kikilos ang Azkals sa kanyang istilo ng paglalaro at bahagi ito ng preparasyon ng koponan sa pagsali sa 2014 AFC Challenge Cup sa Maldives sa Mayo. (AT)

vuukle comment

AMANI AGUINALDO

ANDREW LIAUW

ANG ESTONIA

ANTON DEL ROSARIO

AZERBAIJAN

AZKALS

CHALLENGE CUP

CHRIS GREATWICH

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with