^

PSN Palaro

Nietes, Sabillo gigibain ng mga kalaban sa Pinoy Pride XXIII

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat na ilabas nina WBO light flyweight cham­pion Donnie “Ahas” Nietes at WBO minimumweight titlist Merlito “Tiger” Sabillo ang kanilang pinakama­gandang porma dahil tini­yak kahapon ng mga makakalaban ang kahandaan na patalsikin sila sa puwesto.

Sina Sammy “Guty” Gu­tierrez ng Mexico at Carlos “Chocorroncito” Bu­i­­trago ng Nicaragua ang mga nanguna sa mga da­yuhang boksingero na kasama sa Pinoy Pride XXIII--Filipinos Kontra Latinos --sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum ang nagsabing pinaghandaan nila nang husto ang laban kontra sa dalawang Filipino champions.

“I use to be a champion and I am ready for this fight. I am ready to fight for 15 rounds,” pagmamalaki ng 27-anyos na si Gutierrez sa PSA Forum sa Shakey’s Malate ka­hapon.

May 33 panalo sa 44 laban, kasama ang 23 KOs, si Gutierrez at siya ay dating interim WBA minimumweight title at WBC silver light flyweight champion.

Ang mga tinalo niya sa dalawang titulong ito ay ang mga Filipino pugs na sina Renan Trongco at Roilo Golez.

“It’s hard to predict the outcome of the fight. Filipinos are good boxers but Mexicans are also good. But the only thing I know is that I am going to take the title away from him,” dagdag ni Gutierrez sa pamamagitan ng interpreter.

Ang 21-anyos na si Buitrago ay may matinding 27-0 baraha, kasama ang 16 KOs,  at ang masidhing pangarap na maging world champion ng kanyang bansa ang magtutulak sa kanya para ibigay ang lahat ng makakaya sa ring.

“This is my opportunity to get the belt to Nicaragua. I have watches his fights  and I have to take care of his right hand,” ani ni Buitrago, ang WBO Latino minimumweight title na may tatlong sunod na panalo sa taon.

vuukle comment

BUITRAGO

CHOCORRONCITO

FILIPINOS KONTRA LATINOS

PINOY PRIDE

RENAN TRONGCO

ROILO GOLEZ

SHY

SINA SAMMY

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with