^

PSN Palaro

Tsai ikatlong miyembro ng Team Asia na lalaro sa Queen’s Cup

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napili ang Taiwa­ne­se lady cue-artist na si Penny Tsai bilang isa sa apat na maglalaro para sa Team Asia sa gaganaping Queen’s Cup sa Resorts World mula Nobyembre 5 hanggang 7.

Si Tsai na silver meda­list sa World 10-Ball Challenge, ang ikatlong kasapi sa Team Asia kasunod nina team captain Ga Young Kim ng Korea at Filipina bet Rubilen Amit.

Ipinagpasalamat ni Tsai ang pagkakapili sa kanya dahil lalabas na isa siya sa apat na mahuhusay na lady cue-artist sa Asia.

Hindi naman bago kay Tsai ang magtungo sa Pilipinas dahil isa siya sa mga dayuhang pool players na nasa pangangalaga ng Bugsy Promotions na pag-aari ni Perry Mariano.

“I feel so honored that I have been chosen to play in the Queen’s Cup and represent Asia,” wika ni Tsai.

Isa pang manlalaro ang papangalanan para makumpleto ang koponan na susukatin ang husay ng Euro-USA Team.

Tatlong manlalaro na rin ang napili sa Euro-USA Team at ito ay sina Kelly Fisher ng England bilang team skipper, Jasmin Ouschan ng Austria at bagong mukha na si Vivian Villareal ng US.

Labanan sa 10-ball ang gagawin at ang tagisan ay sa singles, doubles, triples at 4-on-4 at ang koponang mauunang makakuha ng 10 panalo ang siyang kikilalaning kampeon ng torneo.

 

vuukle comment

BALL CHALLENGE

BUGSY PROMOTIONS

GA YOUNG KIM

JASMIN OUSCHAN

KELLY FISHER

PENNY TSAI

PERRY MARIANO

TEAM ASIA

TSAI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with