^

PSN Palaro

Gabica umabante sa 2nd round, Reyes talsik na sa WBC 9-Ball

ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nabawi  ni 2006 Doha Asian Games gold me­dalist Antonio Gabica ang magandang porma na unang ipinakita sa laban nila ni Nguyen Anh Tuan ng Vietnam tungo sa 11-8 panalo sa round-of-64 ng World 9-Ball Championship kahapon sa Alarabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Umalagwa si Gabica sa 4-1 at 5-3 kalamangan pero nakabangon pa si Nguyen sa race-to-11, alternate break format game at nakatabla sa 7-all.

Pero hindi nasira ang pulso ni Gabica na isa ng coach sa Qatar at ipinanalo ang apat sa huling limang racks na pinaglabanan.

Sunod na makakaharap ni Gabica ay si Oliver Ortmann ng Germany na nanaig kay Chang Jung Lin ng Taiwan, 11-6.

Hindi naman nakasabay ang 1999 champion na si Efren “Bata” Reyes matapos yumuko kay Nick Van den Berg ng Netherlands, 5-11.

Halagang $2000 ang naging premyo ni Reyes sa pangyayari.

May 10 iba pang pam­bato ng bansa ang palaban pa sa kompetis­yon na maggagawad ng $36,000.00 premyo sa mananalo.

Ang mga panlaban pa ng Pilipinas ay sina Marlon Villamor, Israel Rota, Mark Antony, Raymund Faraon, Lee Van Corteza, Jeff de Luna, Dennis Orcollo, Ramil Gallego, Carlo Biado at Marlon Manalo.

Ngunit sa hanay na ito ay isa pa ang tiyak na malalagas sa first round dahil sina Rota at Antony ang magkatapat.

Si 2010 champion Francisco “Django” Bustamante ay hindi pinalad na umabante sa main draw matapos malaglag kay Thorsten Hohmann ng Germany, 6-9, sa Group eliminations.

Kasama naman sa mga dayuhan na umabante na ay sina Ko Pin Yi ng Chinese Taipei, Mika Immonen ng Finland at Wu Chia Qing ng China.

Tinalo ni Ko si Ryu Seung Woo ng Korea, 11-2; si Immonen ay sinibak si Canadian-Filipino Alex Pagulayan, 11-6, habang si Wu ay nanaig kay Chao Fong Pang ng Chinese Taipei, 11-8, para pumasok sa Last 32.

vuukle comment

ALARABI SPORTS CLUB

ANTONIO GABICA

BALL CHAMPIONSHIP

CANADIAN-FILIPINO ALEX PAGULAYAN

CARLO BIADO

CHANG JUNG LIN

CHAO FONG PANG

CHINESE TAIPEI

GABICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with