^

PSN Palaro

7th Asian Junior Wushu Championship: Wong ibinigay ang ika-2 gold ng Pinas

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbunga ang masidhing determinasyon ng 15-an­yos na si Agatha Chrystenzen Wong nang maibigay niya ang ikalawang gintong medalya ng host Pilipinas sa idinadaos na 7th Asian Junior Wushu Championship sa Makati Coliseum.

Isinuong ang sa­rili sa pag­sasanay matapos mabigo sa asam na medalya sa idinaos na 4th World Junior Wushu Championships sa Macau, China noong nakaraang taon, nakita ang magandang epek­to nito matapos gawa­ran ng mga hurado ng 9.31 pu­ntos sa group B women’s 32 form Taijijian tu­ngo sa ginto.

Mala­yong nasa ika­lawang puwesto si TranThi Kieu Trang ng Vietnam sa 9.21 habang ang ikatlong puwesto ay nakuha ni Choi Yujeong ng Korea sa 9.20 puntos.

“Excited at may nerbiyos po ako pero ang inisip ko lang ay dapat ibigay ko ang best ko at lumaban,” wika ni Wong na nalagay sa pang-walong puwesto sa World event.

Lalaban pa ang fourth year high school student ng School of the Holy Spirit sa Quezon City sa taiji­chuan nga­yong gabi at hanap niya na magkame-dalya pa.

Ito ang ikalawang gintong medalya ng koponang inilalaban ng Wushu Fe­de-ration of the Philippines matapos manalo ang koponan sa Group event noong Hu­webes.

Isang pilak naman ang naibigay ni Dave Degala sa group A men’s 2nd set changquan sa naitalang 8.88 puntos. Ang ginto ay nakuha ni Lee Hoi Tan ng Macau sa 8.92 puntos.

Bigo naman si Degala na makapaghatid ng ikalawang medalya nang tumapos lamang sa ikaapat na puwesto sa group A men’s 2nd set gunshu sa 9.30 puntos habang si Vanessa Jo Chan ay nalagay sa ikasiyam na puwesto sa group B women’s 1st set changquan sa 8.91 puntos.

Sa kasalukuyan ay mayroong dalawang ginto at 1 pilak na ang Pilipinas pero madadagdagan pa ito lalo pa’t nakatiyak na ng tatlong bronze medals ang host country sa sanshou (sparring) sa apat na araw na torneo na nilahukan ng 23 bansa at suportado ng PSC, POC,  DOT, PCSO, Standard Insurance, MVP Sports Foundation, Arrow shirts, Summit water at Burlington socks.

Nabiyayaan ng luck of the draw sina Noel Alabata (men’s 48kg), Vinine Wally (women’s 48kg) at Vita Zamora (women’s 52kg) at sila ay nag-bye sa first round para umabante na sa semifinals ng kanilang dibisyon.

Ang tatlong iba pang manlalaro na sina Thommy Aligaga (men’s 52kg), Clemente Tabugara Jr. (men’s 56kg) at James Da­quil (men’s 60kg) ay pa­wang nagsipanalo sa unang laban para manati­ling nakatuon sa medalya.

Tinalo ni Aligaga si Bahabur Vilyamusov ng Kyrgyzstan, si Tabugara ay nagdomina kay Amarjit Singh Thokchom ng Indonesia at si Daquil ay wagi kay Po Lee Sze ng Hong Kong para umabante sa quarterfinals.

Ang Philippine Star Online, Business Mirror, Malaya Business Insight, Pilipino Mirror at Manila Bulletin ang mga media partners, ang Focus Media ang LCD advertising partner, Xitrix Computer Crop ang technical partner habang ang DZSR Sports Radio ang radio partner.

 

vuukle comment

AGATHA CHRYSTENZEN WONG

AMARJIT SINGH THOKCHOM

ANG PHILIPPINE STAR ONLINE

ASIAN JUNIOR WUSHU CHAMPIONSHIP

BAHABUR VILYAMUSOV

BUSINESS MIRROR

CHOI YUJEONG

CLEMENTE TABUGARA JR.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with