^

PSN Palaro

Ipinatas ang kanilang serye ng slammers sa 1-1: San Miguel humataw sa opensa

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Martes

(Nimibutr, Bangkok)

8 p.m.  Sports Rev

Thailand Slammers vs San Miguel Beer

 

 

MANILA, Philippines - Gumana ang mga guards ng San Miguel Beer para katampukan ang 91-60 demolisyon sa Sports Rev Thailand Slammers sa Game Two ng ASEAN Basketball League (ABL) semifinals kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ang dating tikas sa opensa ay lumabas uli nang kakitaan ng 51% shooting ang home team, kasama ang 8-of-16 sa 3-point line, para makaba­ngon matapos maungusan ng bisitang koponan sa unang tagisan noong nakaraang Huwebes, 60-62.

“We have the talent but we have to work hard that is the key,” wika ni Beermen coach Leo  Austria.

Tig-14 puntos ang ginawa nina Chris Banchero at Val Acuna habang si Jeric Fortuna ay mayroong 13 puntos sa 5-of-6 shooting, kasama ang 2-for-2 sa tres. May 12 pa si Leo Avenido habang si JR Cawaling ay nakapasok ng dalawang tres  sa tatlong birada.

Seryoso na naglaro ang Beermen at sa second period ay nagpakawala ng tatlong sunod na tres sina Fortuna, Avenido at Acuna para tulungang ilayo sa 42-24, ang koponan sa halftime.

Si Wutipong Dasom ang nanguna sa Slammers sa 11 puntos habang ang mga inaasahang sina Christien Charles at Froilan Baguion ay wala sa tamang kondisyon nang tumapos bitbit ang siyam at pitong puntos lamang sa limitadong playing time.

Bagamat natalo, ang Slammers na tumapos sa pang-apat na puwesto sa eliminasyon, ay may hawak pa rin sa mahalagang homecourt advantage dahil puwede nilang tapusin ang best-of-five series kung maipanalo ang Games Three at Four sa Mayo 28 at 30.

Ang hindi lamang na­ging maganda sa panalong ito ng Beermen ay ang pag­kakatalsik sa laro ni Justin Williams bunga ng dalawang unsportsmanlike fouls.

Hindi pa batid kung may kaparusahan na naghihintay ang import sa pamu­nuan ng liga sa kanyang ginawa.

“Every time we play away, it’s a different situation. They know the situa­tion and we have to be pre­pared,” dagdag pa ni Austria.

vuukle comment

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

CHRIS BANCHERO

CHRISTIEN CHARLES

FROILAN BAGUION

GAME TWO

GAMES THREE

JERIC FORTUNA

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with