^

PSN Palaro

Sakto sa Gin kings

FREE THROWS - AC Zaldivar - Pilipino Star Ngayon

Bagay si coach Alfrancis Chua sa Barangay Ginebra San Miguel!

Iyan ang initial reaction ng mga fans ng Gin Kings matapos na ihayag  na si Chua ang siyang magiging head coach ng Gin Kings simula sa 2012-2013 PBA Commissioner’s Cup.

Hinalinhan niya si Bethune ‘Siot’ Tanquingcen na mananatili naman bilang ‘co-head coach’ o first assis­tant coach ng koponan.

Parang ganito din ang set-up noong nasa Gin Kings pa si Joseph Uichico na dating head coach pero gi­nawang ‘co-head coach’ ni Tanquingcen.

Well, handa naman si Chua sa kanyang tungkulin. Kasi naman ay matagal din siyang nagsilbi bilang con­sultant ng Gin Kings. So, kabisado na rin niya ang koponang kanyang hahawakan.

Ang Barangay Ginebra San Miguel ang ikatlong ko­ponang hahawakan ni Chua sa PBA. Nauna rito ay naging head coach siya ng Tanduay Rhum bago na­lipat sa Sta. Lucia Realty.

Pero hindi siya nagtagumpay sa dalawang teams na iyon. Hindi niya naihatid sa kampeonato kapwa ang Rhummasters at Realtors.

Matapos siyang palitan ni Teodorico Fernandez III bilang coach ng Sta. Lucia ay pansamantalang nagretiro si Chua at inasikaso muna ang ilang negosyo niya.

Nagbukas din siya ng isang pub sa Banawe.

Bago kinuha ng Gin Kings, si Chua ay nagsilbi bi­lang Commissioner ng Tiong Lian Basketball tourna­ment. Naging consultant din siya ng Lyceum of the Phi­lippines University Pirates sa NCAA.

Nang minsan nga nakaumpukan niya ang ilang kai­bi­gang sportswriters noong panahong iyon, nasabi niya na buong maghapon daw na basketball ang kanyang inaasikaso. Medyo mahirap daw ‘yung paggising sa uma­ga basketall, hanggang sa gabi basketball pa rin!

Pero nasa dugo niya iyon, eh.

Kahit paano’y nagagamit ni Chua ang kanyang per­sonalidad upang ayusin ang mga liga o koponang hawak niya. Hindi kasi puwedeng luluko-luko sa kanya ang mga coaches o players o kahit na team supporters noong Commissioner pa siya.

Kaya naman  sumasang-ayon ako sa assessment ng karamihan na bagay si Chua bilang coach ng Gin Kings.

Iba kasi ang projected image ng Barangay Ginebra la­lo noong kapanahunan pa ni Robert Jaworski, Sr. bi­lang coach.

Iba ang tikas ng team na ito, eh. Matapang, walang inuurungan, pisikal.

Kaya nga natawag na ‘never-say-die’ team ang Gin Kings.

Hindi puwedeng lalambut-lambot ang mga players.

Hindi puwedeng lalamya-lamya at basta padadaa­nin ang kalaban. Wala itong inuurungan.

Marahil ay maibabalik ni Chua ang dating tikas ng Gin Kings. Iyon ang kailangan, eh. Ibalik ang dating persona­lidad ng team.

Oo’t kinikilala pa rin sila bilang ‘never-say-die’ team pero kung minsan para bang hindi nahuhusto sa moni­cker nila ang kanilang performance.

Matagal-tagal na rin namang hindi nagwawagi ng kampeonato ang Barangay Ginebra San Miguel.

Matagal na ring naghihintay ang mga fans na wa­lang sawang sumusubaybay sa paborito nilang ko­ponan.

Dapat na masuklian ang mga ito.

At iyan ang nais na gawin ni Chua.

vuukle comment

ALFRANCIS CHUA

BARANGAY GINEBRA SAN MIGUEL

CHUA

COACH

GIN

GIN KINGS

KINGS

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with