23-man Korean delegation tatakbo sa Stags Run 3
MANILA, Philippines - Isang 23-man delegation mula sa Korea ang sasali bilang guest runners sa Stags Run 3 na tinaguriang ‘Takbo Para Sa Bokasyon’ sa Linggo sa ASEANA City malapit sa Mall of Asia.
Sinabi ni San Sebastian president at organizing comÂmittee head Fr. ChrisÂtoÂpher Maspara, OAR, na ang 21 sa Korean natioÂnals na lalahok sa one-day meet ay mga exchange students mula sa Chonbuk National UniÂversity sa South Korea, haÂbang ang dalawa ay proÂpesor.
Bukod sa mga Koreans, sasabak din sa Stags Run si dating Pangulong JoÂseph Estrada ang kanyang staff at ilang alumni ceÂlebrities at basketball stars kagaya nina JC Tioseco, Calvin Abueva, Ian SanÂgalang at Rommel AdÂducul.
Ang event ay suportaÂdo ng Kabataan Jeep ni Erap, isang organisasyon na pinamumunuan ni Dr. AnÂgel Espiritu, kasama ang Azia direct fashion for less, Life Oil, Mr. Alfonso Ronco, Atty. Joel Chua, Mr. Marlon Ortiz at Pharex.
Inimbitahan din ang mga students, school emÂploÂyees, teachers at alumnis na sumali sa event na magÂbibigay ng pondo para sa kanilang mga apostoÂlates sa Sierra Leone sa West Africa at sa ilang maÂlalayong barangay sa Palawan.
- Latest