Asean Basketball League: Dragons humirit ng Game 3 sa Beermen
- Ni Angeline Tan () - June 3, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nagbagsak si Tiras Wade ng 12 sa kanyang na­ngungunang 34 puntos sa huling yugto para igiya ang Westports Malaysia Dragons sa 100-77 panalo sa San Miguel Beermen sa Game Two ng AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) semifinals kahapon sa MABA gym, Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang naiskor ni Wade sa nasabing yugto ay mas mataas sa 11 puntos na nagawa ng Beermen upang makuha ang dominanteng panalo at maitabla ang best of three series sa 1-all iskor.

“I just challenge my pla­yers to make a statement game. But we no time to celebrate because we only tied the series,” wika ni Dra­gons Filipino coach Ariel Vanguardia.

May 26 puntos, 15 rebounds at 7 assists si Brian Williams habang 17 pa ang ginawa ni Patrick Cabahug para masuportahan ang mainit na laro ni Wade.

Ininda naman ng Beermen ang mahinang produksiyon ng kanilang mga imports para mangailangan ng Game Three na lalaruin sa susunod na Sabado sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Si Nic Fazekas na gu­ma­wa ng 32 puntos sa Ga­me One na inangkin ng Beermen, 111-104 sa overtime, ay nalimitahan lamang sa 12 puntos habang si Duke Crews ay may 15 na mababa ng sampu sa naitala sa huling tagisan.

Samantala, magpapatuloy ang aksyon sa semis at pipilitin ng AirAsia Ph Patriorts na itabla ang kanilang serye ng Indonesia Warriors ngayong hapon sa BritAma Arena.

ARIEL VANGUARDIA BASKETBALL LEAGUE BEERMEN BRIAN WILLIAMS DUKE CREWS GAME THREE GAME TWO INDONESIA WARRIORS KUALA LUMPUR PASIG CITY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with