^

PSN Palaro

POC 'di hihingi ng pondo sa PSC para sa London Olympics

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Hindi hihingi ng pondo ang Philippine Olympic Committee (POC) sa Philippine Sports Commission (PSC) kung pagpapadala ng manlalaro sa London Olympics ang pag-uusapan.

Sa pagdalo ni POC first vice president at Chief of Mission sa Olympics Manny Lopez sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura kahapon, ibinunyag niya ang pag­kakatatag ng isang marketing arm na pangungunahan ni Tats Suzara para mangalap ng pondong igugugol sa pagpa­padala ng manlalaro sa London.

Maliban sa pangangalap ng pondo, makikipag-ugnayan din ang POC sa Lon­don Olympic organizers upang hingiin ang tulong pinansyal sa pagpapadala ng ilalabang manlalaro.

“Kasama sa ipinangako ng London organizers bago iginawad sa kanila ang hosting ay ang pagtulong sa gastusin ng ipadadalang atleta ng bawat bansa na aabot sa 787 pounds. Ang IOC ay mag­bibigay din ng 25,000 pounds sa mga ka­saping bansa para itulong sa gastusin. Kaya wala akong nakikitang problema kung pondo para sa Olympics ang pag-u­usapan,” wika ni Lopez.

Sa kasalukuyan ay isa pa lamang ang atleta ng Pilipinas na nakapasok na sa pinaka-prestihiyosong kompetisyon sa mundo sa katauhan ni boxer Mark Anthony Barriga.

Ang athletics at swimming na mga mandatory sports ay bibigyan din ng tig-isang male at female athletes kaya’t lima na ang tiyak na bilang ng Pambansang delegasyon.

vuukle comment

CHIEF OF MISSION

KAMAYAN

KASAMA

LONDON OLYMPICS

MARK ANTHONY BARRIGA

OLYMPICS MANNY LOPEZ

PADRE FAURA

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

TATS SUZARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with