^

PSN Palaro

Medical mission tampok sa Motocross Series sa Cavite

- Ni Robbie M. Pangilinan -

MANILA, Philippines - Bukod sa pagtaguyod ng motocross, may iba pang adhikain ang isasagawa sa 7th Leg ng 2011 Enersel Forte Philippine National Motocross Series sa Agosto 6-7.

Sa pagdiriwang ng ika-43 kaarawan ng CEO ng SEL-J Sports na si Jay Y. Lacnit, magkakaroon ng medical mission para sa mga residente ng Molino 3, Cavite City.

Libu-libong residente ang inaasahang makatatanggap ng libreng gamot at konsultasyon sa taunang tradisyon ni Lacnit. Noong nakaraang taon, ang kanyang bayang Pagadian ang naging lokasyon ng outreach program kung saan 30,000 kabataan at matatanda ang nakinabang. Naniniwala si Lacnit na ang SEL-J Pharmaceuticals ay isang kumpan­yang may puso na isa sa tumugon noong nanalanta ang bagyong Ondoy at Pepeng.

“Kada taon, sinusubukan kong magdala ng saya sa aking mga kababayan, dahil galing din ako sa hirap. Ang pananampalataya ko ay nanatiling matatag at sinagot ang aking mga dasal, kaya binabalik ko sa Kanya ang mga biyaya sa pamamgitan ng pagbabahagi sa aking kapwa,” ani Lacnit, ang “Hari ng Motocross.”

Bukod sa medical mission, aabangan din sa ka­rera ang pakikibahagi ng Prince of Indie Films na si Coco Martin at actor-singer Sam Milby. Dadalo rin sina Senador Bong Revilla, Gobernador ng Cavite na si Gilbert Remulla, at Alkalde ng Bacoor na si Strike Revilla.

vuukle comment

BUKOD

CAVITE CITY

COCO MARTIN

ENERSEL FORTE PHILIPPINE NATIONAL MOTOCROSS SERIES

GILBERT REMULLA

J PHARMACEUTICALS

J SPORTS

JAY Y

LACNIT

PRINCE OF INDIE FILMS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with