^

PSN Palaro

Sa pagbitbit sa SMBeer sa 2 dikit na panalo, Alex Cabagnot tinanghal na PBA-PoW

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Ang pagsalpak ng isang game-winning shot ay panga­rap ng kahit na sinong player.

Sa nakaraang dalawang panalo ng San Miguel, tumipa ng dalawang dikit na winning basket si point guard Alex Cabagnot sa 2010-2011 PBA Philippine Cup.

At dahil rito, tinanghal Ang Fil-Am na si Cabagnot bilang Accel-PBA Press Corps’ Player of the Week para sa linggo ng Oktubre 25 hanggang 31.

“Alex is a smart player,” sabi ni SMB coach Ato Agustin kay Cabagnot.

“He can drive, he can shoot kaya I always tell him, kapag libre siya take the shot,” dagdag pa ni Agustin.

Isang floater ni Cabagnot ang nagbigay sa San Miguel ng 99-97 panalo kontra 2009-2010 Fiesta Conference titlist Alaska noong nakaraang Miyerkules.

Tumapos si Cabagnot na may 10 points at 10 assists.

Matapos ang tatlong araw, muli itong ginawa ng No. 2 pick sa 2005 Rookie Draft.

Sa pagkakatabla ng laro sa 83-83, isang reverse lay-up ang ipinasok ni Cabagnot upang tulungan ang Beermen sa 85-83 pagtakas sa nagdedepensang Derby Ace Llamados.

Kasalo ngayon ng San Miguel sa liderato ang Talk ‘N text mula sa magkatulad nilang 5-1 rekord.

“Ang sabi ko, pag nagipit siya, dish off and for the receiver to go hard to the basket kasi penalty,” sabi ni Agustin sa naturang panalo ng Beermen sa Llamados. “Alex did a good job, parang nu’ng sa Alaska din.” 

vuukle comment

AGUSTIN

ALEX

ALEX CABAGNOT

ANG FIL-AM

ATO AGUSTIN

BEERMEN

CABAGNOT

DERBY ACE LLAMADOS

FIESTA CONFERENCE

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with