^

PSN Palaro

Peñalosa, gusto pa ring lumaban

-

MANILA, Philippines - Isang buwan matapos sumuko kay Puerto Rican world super bantamweight champion Juan Manuel Lopez, balak pa rin ni Filipino world two-division titlist Gerry Penalosa na lumaban sa isang world championship.

Ito, ayon sa 36-anyos na tubong San Carlos City, Cebu, ang siya niyang magiging ‘farewell fight’ bago tuluyang magretiro.

“Gusto kong lumaban ulit dahil gusto kong mag-retire ako na galing sa panalo,” wika kahapon ni Penalosa sa panayam ni Dennis Principe sa kanyang radio program na ‘Sports Chat’ sa DZSR. “Gusto kong mag-retire na champion ako.”

Sa kanyang ikalawang pagtatangkang makilala bilang world super bantamweight king, natalo si Penalosa kay Lopez nang magdesisyon si American trainer Freddie Roach na itigil ang laban sa tenth round noong Abril 25 sa Bayamon, Puerto Rico.

Nanatiling mailap kay Penalosa ang naturang World Boxing Organization (WBO) super bantamweight belt na kanyang hinangad sa dating kampeong si Mexican Daniel Ponce De Leon noong Marso 17 ng 2007 kung saan siya natalo via unanious decision.

Bago sumuko sa 26-anyos na si Lopez, nagkaroon ng kasunduan ang Golden Boy Promotions na humahawak kay Penalosa at ang Top Rank Promotions ni Bob Arum.

Sa naturang kasunduan, si Penalosa ang tatayong mandatory challenger sa mananalo sa pagitan nina Mexican Fernando Montiel at Puerto Rican Eric Morel para sa WBO bantamweight title sa Hunyo 27 sa Atlantic City, New Jersey.

“Ako ang magiging mandatory challenger kung sino ang mananalo kina Montiel at Morel,” ani Penalosa, may 54-7-2 win-loss-draw ring record kasama ang 36 KOs. “Nagpapasalamat ako sa Golden Boy at sa Top Rank at tinupad nila ‘yung agreement namin.”

Ang hawak ngayon ni Montiel na WBO bantamweight ay binakante ni Penalosa para hamunin si Lopez ukol sa suot nitong WBO super bantamweight crown. (Russell Cadayona)

vuukle comment

ATLANTIC CITY

BOB ARUM

DENNIS PRINCIPE

FREDDIE ROACH

GERRY PENALOSA

GOLDEN BOY

GOLDEN BOY PROMOTIONS

JUAN MANUEL LOPEZ

LOPEZ

PENALOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with