Sa volleyball inililihis ni Muros ang interes ng anak
() - March 17, 2009 - 12:00am

MANILA, Philippines - Kagaya ni Lydia De Vega, ililihis rin ni Elma Muros ang interes ng kanyang anak na si Klarrizze sa volleyball mula sa athletics.

 Ito, ayon sa beteranong sprinter, hurdler at long jumper na si Muros ay bunga ng kakulangan ng epektibong programa ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA).

“Disappointed kasi ako sa athletics natin ngayon kaya baka sa volleyball ko na lang paglaruin ang anak ko,” sabi ni Muros, may kabuuang 15 gintong medalya sa Southeast Asian Games kung saan ang walo rito ay mula sa long jump event.

 Sa kabila ng pagiging ‘Asia’s Sprint Queen’, mas pinaboran ni De Vega ang kanyang anak na si Stephanie na subukan ang volleyball na nagresulta ng pagbibida nito sa pagrereyna ng De La Salle University sa katatapos na UAAP voleyball tournament.

 Ayon kay Muros, nagretiro noong 2002, hindi maihahalintulad ang pagpapatakbo ni Director Michael Keon sa Project: Gintong Alay noong 1980’s sa pagpapatakbo ngayon ni Go Teng Kok sa PATAFA. (Russell Cadayona)

DE LA SALLE UNIVERSITY DE VEGA DIRECTOR MICHAEL KEON ELMA MUROS GINTONG ALAY GO TENG KOK LYDIA DE VEGA MUROS PHILIPPINE AMATEUR TRACK AND FIELD ASSOCIATION RUSSELL CADAYONA SOUTHEAST ASIAN GAMES
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with