Alaska bumawi, Tropang Texters napagbalingan
() - November 23, 2008 - 12:00am

Matapos masira ang kanilang four-game winning streak, bumawi ang Alaska, malas nga lamang ng Talk N Text at sila ang napagdiskitahan ng Aces.

Gumamit ang Alaska ng mainit na 26-0 bomba sa unang quarter upang maagang kontrolin ang laro tungo sa kanilang pagdomina sa Tropang Texters na inilampaso nila sa pamamagitan ng 113-86 panalo sa pag-usad ng 2008 KFC-PBA Philippine Cup na nagpatuloy sa The Arena sa San Juan kahapon.

Buhat sa 12-13 kalamangan ng Talk N Text, ikinamada ng Aces ang kanilang pamatay na 26-0 run, ang ikalawang all-time longest run sa league history matapos ang 32 ng Ginebra Gin Kings sa final canto ng kanilang 116-90 panalo sa Shell sa Game 5 ng 1991 PBA First Conference Finals, upang iposte ang 38-13 sa 10:32 ng second quarter tungo sa kanilang malaking tagumpay.

Ito ang ikasiyam na panalo ng Alaska sa 12-laro na naglayo sa kanila sa pumapangalawang San Miguel Beer na may 7-4 record habang bumagsak naman ang Talk N Text sa 5-6 record sa likod ng pumapangatlong defending champion Sta. Lucia Realty (6-4) at Rain Or Shine (6-5).

Tumapos si 6-foot-8 Sonny Thoss ng 17 puntos kasunod ang 15 ni LA Tenorio, 14 ni John Ferriols at 13 ni two-time Most Valuable Player Willie Mille para sa 27-point winning margin ng Alaska na siyang pangalawang pinakamalaking margin ngayong torneo makaraan ang 118-89 panalo ng San Miguel sa Ginebra noong Oktubre 22.

Magpapatuloy ang aksiyon sa Cuneta Astrodome sa pagsasagupa ng Rain or Shine at Coca-Cola (4-7) sa alas-4:00 ng hapon na susundan ng sagupaan ng Purefoods (5-7) at San Miguel na nais makabangon sa dalawang sunod na talo, sa alas-6:30 ng gabing laban.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Sta. Lucia at ang Barangay Ginebra (4-6). (Mae Balbuena)

BARANGAY GINEBRA CUNETA ASTRODOME FIRST CONFERENCE FINALS GINEBRA GIN KINGS JOHN FERRIOLS LUCIA REALTY MAE BALBUENA MOST VALUABLE PLAYER WILLIE MILLE SAN MIGUEL TALK N TEXT
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with