Ikalimang sunod na panalo asam ng Alaska vs Tropang Texters
() - October 24, 2008 - 12:00am

Ikalimang sunod na panalo ang hangad ng Alaska at ikaapat na sunod na panalo naman ang tangka ng defending champion Sta. Lucia Realty sa pakikipagharap sa magkahiwalay na kalaban sa KFC PBA Philippine Cup na magpapatuloy sa Ynares Centre sa Antipolo City.

Makakasagupa ng Aces ang Talk N Text sa pambungad na laban sa alas-5:00 ng hapon habang makakalaban naman ng Realtors ang Air21 sa alas-7:30 ng gabi.

Nangunguna ang Aces sa kanilang malinis na 4-0 record kasunod ang San Miguel Beer na may 4-1 kartada habang ang Sta. Lucia ay nasa ikatlong puwesto na may 3-1 record.

Nais naman ng Phone Pals na makabangon sa dalawang sunod na talo upang maiangat ang 2-2 kartada habang hangad naman ng Air21 ang back-to-back win upang makabangon sa 1-3 record.

Habang sinusulat ang balitang ito, nais ng Rain Or Shine na makabangon sa dalawang sunod na talo upang maiangat ang 2-2 record sa pakikipag-harap sa Purefoods na may 1-3 kartada sa Olivarez College Gym sa Parañaque. (Mae Balbuena)

ANTIPOLO CITY LUCIA REALTY MAE BALBUENA OLIVAREZ COLLEGE GYM PHILIPPINE CUP PHONE PALS RAIN OR SHINE SAN MIGUEL BEER TALK N TEXT YNARES CENTRE
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with