Simms, Molina naglista ng bagong RP record
- Ni Gerry Carpio () - August 14, 2008 - 12:00am

BEIJING--Itinaas nina Fil-American Christel Simms at Southeast Asian Games quadruple gold medallist Miguel Molina ang national swimming standards sa bagong antas nang wasakin nila ang kanilang sariling Philippine record sa pamamagitan ng mahusay na performance sa Water Cube kagabi.

Nabahiran ng lungkot ang record breaking performance ng mga swimmers nang mabigo si lightflyweight Harry Tañamor sa kanyang unang round na pagsabak sa ring.

Yumuko si Tañamor, na natataning boxer na pag-asa ng bansa sa mailap na gintong medalya, kay Manyo Plange ng Ghana, 6-3 sa 48 kgs. division ng boxing competition.

Hindi nawalan ang kaba ni Pinoy archer Mark Javier sa kanyang unang Olympic appearance at malaglag ito kay Taiwanese ace Kuo Cheng Wei, 106-102 at mapatalsik sa elimination round ng archery individual event kahapon sa Olympic Archery Range.

Si Simms, pag-asa ng Philippine swimming, ay humakbang ng isang baitang patungo sa London Olympics ng 2012, nang wasakin nito ang sariling national record sa 50meter freestyle heat.

Tulad ng kanyang pangako, ang 17 anyos na Hawaiian-Pinoy girl ay nagbura ng marka bagamat hindi buong segundo nang maorasan ito ng 56.65 second sa heat na pinamunuan ni Singaporean Quah Ting Wen 56.14. Pumangalawa sa heat si Junkranjang Natthanan 56.56 na inaasahang prelude ng dapat asahan sa Southeast Asian Games sa Laos sa susunod na taon.

“It’s a very good swim,” ani swimming president Mark Joseph. “ It’s been a long road she took to Beijing and I am very proud she’s been doing a good job.”

Ang bagong record ay nagbura sa 57.17 second na kanyang inilista sa US National junior championships noong Pebrero na nagsilbing qualifying time niya para dito sa Beijing Olympics.

Sinundan ito ng record breaking feat ni Molina sa 200m individual medley makaraang burahin ang dati niyang 2:03.22 sa nilangoy na 2:01.61.

BEIJING OLYMPICS FIL-AMERICAN CHRISTEL SIMMS HARRY TA JUNKRANJANG NATTHANAN KUO CHENG WEI SOUTHEAST ASIAN GAMES
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with