^

PSN Palaro

College cagers rarampa na uli

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Malapit na uling maging bida sa basketball scene ang mga college basketball players.

Yan ay dahil sa malapit na ang NCAA at UAAP.

Parang kailan lang natapos yung finals ng NCAA at UAAP eh heto na naman ang bagong season.

Kaya naman very soon, pagkakaguluhan na naman ang mga players natin from the college ranks.

Si Sam Ekwe pa rin ang superstar ng NCAA pero marami rin naman ang potential players na malamang eh maging big stars din sa NCAA.

Minsan na naming naisulat dito ang big stars na sina Kelvin de la Peña at Jerby del Rosario.

Ngayon naman, we’re featuring TG Guillermo na galing sa San Beda College at ngayon ay maglalaro na sa MIT Cardinals sa NCAA.

Si TG ay 18 years pa lang, at ipinanganak nung July 19, 1988.

Naglaro siya sa Red Cubs mula 2004 hanggang 2006 kung saan isa siya sa first stringers.

He stands 6 feet tall at pointguard ang laro niya.

Ang kanyang mga magulang ay sina Virgilio at Rufina Guillermo at sila ay tubong Sta. Ana, Manila.

Isa siyang Psychology student ngayon sa Mapua.

"Sa tingin ko, we stand a good chance sa NCAA this year dahil sa almost intact ang line-up namin from last year’s team. San Beda will still be a team to beat, ganun din ang Letran but I guess kailangan nilang mag-ingat sa amin because our composition is okay and we’re training just as hard as they do," sabi ni TG.

Idol ni TG si Olsen Racela sa PBA at Gilbert Arenas sa NBA.

"Dahil pointguard, ganyan din ang idolo ko. Idol ko si Olsen dahil gusto ko ang style niya. Hindi rin siya katangkaran pero naging magaling sa PBL si Olsen. Hindi naging hadlang ang height niya para mag-excel sa PBA. At para sa aming mga hindi matatangkad, we also see hope na puwede rin kaming mag-excel sa PBA," sabi ni TG.

Naniniwala rin si TG na ngayong taon na ito, lalong magiging mahigpitan ang laban sa NCAA.

"Balita ko kasi malakas din ang ibang teams. Nagpalakas din ng line-up. Eh last year nga, maganda na ang showing ng JRU. Kung yun pa rin ang line-up nila, malakas din sila this season."

Pero sabi nga ni TG, whatever the strength of the other teams, nandyan lang ang Cardinals para lumaban.

"For the past months, matindi na rin ang training namin. We’ve adjusted to our new coach, and I guess, in a few months time, we will be ready for the NCAA," pagwawakas ni TG.

Abangan din natin kung gayon-- TG Guillermo mula sa MIT Cardinals.

vuukle comment

DIN

GILBERT ARENAS

GUILLERMO

NCAA

OLSEN

OLSEN RACELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with