^

PSN Palaro

Hindi pinag-uusapan ng kandidato

GAME NA! - Bill Velasco -
Tila dumarami ang mga isyu sa sports na luma-labas sa mga pahayagan na dati-rati’y hindi pinag-uusapan. Marahil, dahil mas kilala na ang mga atleta natin, at mas gutom ang tao sa tsismis, halos lahat puwede nang ilathala.

Marami ang nagulat nang pinagbitangan si World Pool Ronnie Alcano nang pangmomolestiya sa kanyang anak.

"All the things that people in that situation do are not present," sabi ni Perry Mariano, manager ni Alcano. "People who do that are usually on drugs, poor, depressed or desperate. None of these are present in Ronnie. How could it have happened when he had just won the world championship?"

Ayon sa medical report, wala daw internal injuries ang bata wala daw palatandaan ng panggagahasa.

Ang isa pang nagpapatibay sa panig ni Alcano ay iisa ang tinig ng kanyang mga kamag-anak: nalu-lungkot at nagagalit at nagpapahiwatig na tila gina-gamit lamang ang 14 na taong babae para maku-hanan si Alcano ng salapi. Bakit nga daw ngayon lang lumabas ang isyu kung noong Nobyembre pa daw nangyari ang insidente?

Nakakalungkot din na nasabay pa sa paglahok ni Alcano sa isang major tournament at maganda ang kanyang pagpapakita sa mga nakaraang torneo. Ang itinatanong ng ilan ay kung bakit ang nagbibintang ay hindi lumalantad. Madalas na maging target ng ganitong kaso ang mga kilalang athlete. Mula pa noong panahon ni Billie Jean King na kinasuhan ng ‘gali-mony’; ng isang babaeng ka-live-in niya hanggang kay Manny Pacquiao. Pati ang ilang mga high school coach ay nadis-kubre ng NBA player ay binigyan ng malalaking halaga ng salapi mula sa kikitain ng kanilang player.

Maging ang pamaha-laan ng China at ang kanyang home team na Shanghai Sharks ay nakihati pa sa suweldo ni Yao Ming, diumano dahil sila ang ‘nagpahinog’ sa kanya.

Madalas, mas madali ang makinabang sa tagumpay ng ibang tao, lalo na sa Pilipinas, dahil magkakambal ang mala-laking pamilya, kahirapan at utang na loob. Kung minsan -- at di natin nilalahat -- binabawi natin ang anumang pinagsa-mahan o itinulong natin. Minsan pa, isang pabor ay gusto nating habam-buhay na pagbayaran ng pinagbigyan.

Naangkop din itong usaping ito dahil malapit na ang eleksiyon at maraming kandidato ang humihingi ng pabor at pondo. Pero, sana hu-wag pagbayarin ang mga mamamayan.

Tama ba iyon?

vuukle comment

ALCANO

BILLIE JEAN KING

MADALAS

PERRY MARIANO

SHANGHAI SHARKS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with