^

PSN Palaro

Tama si Hatfield

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Tama ang naging desisyon ni Rudy Hatfield na unahin ang kasal niya at i-skip na muna ang slot niya sa national team.

Nag-iisip pa si Enrico Villanueva at nalilito raw kung ano ang gagawin niya.

Hijo, sa Red Bull ka na lang maglaro at huwag ka na munang sumama sa team na yan na sa abroad pa magti-training eh puwede naman dito sa atin.

Malalaman mo rin seve-ral months from now kung bakit mas tama ang gagawin mo kung dito ka na lang maglalaro.
* * *
Grabe kadaming bakan-teng upuan sa Araneta Co-liseum nung magharap ang Purefoods at San Miguel nung isang araw.

Hindi mai-focus ng camera at hindi maipag-malaki ng mga announcers kung gaano ka-konti ang crowd attendance nila, tulad nang ginagawa nila kapag punum-puno sila.

Dati-rati, kapag Pure-foods at San Miguel ang naglaban, punong-puno ang Big Dome.

Pero this time, puwede kang mag bisekleta sa itaas.

I bet we’re bound to see more of that kind of crowd dahil hindi na nga naman naglalaro ang mga superstars who are supposed to be the biggest crowd-drawers of the PBA.

That’s a supreme sacrifice made by the PBA dahil lang sa pagbuo ng national team na yan.
* * *
Kabi-kabila na ang basketball clinic dahil summer na. I am sure na maraming kabataan ang sasali sa kabi-kabilang basketball clinic na ang may hawak pa naman eh ang mga matitinik na coaches natin.

Ang dating Mapua player at MBA player na ngayon ay isa na ring college coach na si Randy Alcantara ay pangungunahan din ang Growee summer basketball clinic ngayong April.

At narito ang mga lugar na pagtatanghalan ng clinic niya: Malayan High School of Science, St. Michael Academy diyan sa Marilao Bulacan, Meycauyan College sa Meycauyan Bulacan, Angelicum College sa QC, St. Charbel executive Village sa Mindanao Avenue. Sa Mayo naman, dadayo sila ng Guagua, Angeles, Bataan at Cavite.

Para sa detalye ng Growee summer basketball clinic, makipag-ugnayan lang kay Coach Randy sa landline no. 4448232 at sa celfone no. 0917-8048032.

Garantisado na maraming matututunan ang mga anak ninyo kapag nai-enrol ninyo sa basketball clinic. Bukod pa yan sa maraming freebies na makukuha nyo mula sa Growee.

vuukle comment

ANGELICUM COLLEGE

ARANETA CO

BIG DOME

COACH RANDY

GROWEE

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with