^

PSN Palaro

Pandaraya sa basketbol!

GAME NA! - Bill Velasco -
Ngayong naibunyag na sa Thailand gagawin ang Southeast Asian Basketball Association o SEABA championships, tapos na ang pag-iisip kung magiging mas mahirap ito para sa ating Philippine team.

Tandaan natin na madalas tayong dayain sa international competition, lalo na sa mga sport na may mga judge o referee. Sino ang makapagsasabing hindi ito maaaring mangyari muli?

Maraming paraan para mandaya sa isang basketball tournament.

Una, naririyan ang bunutan o bracketing. Maaari tayong malagay sa mas malakas na grupo, para mas mahirapan tayong makapasok sa crossover semifinals.

Pangalawa, maging ang pagpili ng mga local interpreter, driver at chaperone ay maaaring maging sanhi ng problema, gaya ng nangyari na sa atin noong ginanap ang Asian Games sa Japan. Iba ang driver ng Pilipinas sa huling araw ng kumpetisyon. Sa bus na nag-warm-up ang mga player natin, dahil niligaw sila ng kanilang driver.

Samantala, gunitain naman natin ang pinakamatinding kaso ng pandarayang ginawa sa atin sa kasaysayan ng basketbol, noong 1989 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur,Malaysia.

Unang araw pa lamang, alam na nating may problema, dahil tuwing nag-eensayo ang Pilipinas, pinapatayan sila ng ilaw. Brownout daw.

Pero paglabas naman nila, maykuryente naman sa mga poste sa labas ng gym.Liban dito, pinasunud-sunod nila anglaban natinsa Malaysia at Thailand, ang dalawangpinakamalakas nating kalaban.

Hindi na sana ito masyadong masama, pero pareho ang referee sa dalawang laban.Siyempre, kontrolado nila ang mga laban, at ubos sa foul ang mga magagaling na player natin.

May iba pang pandarayang puwedeng gawin. Naririyan ang pagpalit ng bola, pagpalit ng tubig at pagkain, at - tulad ng ginagawa minsan sa NBA - ginigising ang mga player ng madaling araw para masira ang tulog nila’t di makapagpahinga ng maayos.

Lalo na itong dapat pakaingatan sa mga bansang tulad ng Thailand at Malaysia, kung saan kakaiba ang pagkain sa kinasanayan natin.

Pag-aralan din sana natin ang Singapore, dahil may mga naturalized Chinese daw ito.

Sa sobrang hina nila, hindi na nila mareremedyuhan kung hindi sila mag-import ng player.

Mula sa oras na paglapag ng ating mga player sa Thailand, sana’y mabantayan sila ng husto, dahil di natin masabi kung ano ang maaaring gawin sa kanila para lamang magkaroon ng kaunting bentahe ang mga ibang bansa.

Alam nilang hindi sila uubra sa atin, kaya’t baka gumamit sila ng iba-ibang pamamaraan.

vuukle comment

ASIAN GAMES

KUALA LUMPUR

NATIN

PILIPINAS

SOUTHEAST ASIAN BASKETBALL ASSOCIATION

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with