^

PSN Palaro

MULI, ISANG SPORTS DEPARTMENT

GAME NA! - Bill Velasco -
Marami na akong nakakapanayam na mga kandidato para sa pagka-senador. Ang ilan sa kanila ay walang nalala-man masyado sa larangan ng sports, liban sa kanilang nalaro noong sila’y nasa mababang paaralan. Ang iba naman ay nagmamalasakit, subalit hindi nila prayoridad ito.

Subalit ang nagpapadalas naming pag-uusap ay ang pagtatatag ng isang Department of Sports, isang mataas na ahensiya ng pamahalaan na mamahala sa pambansang programa ng sports, gaya ng sa Australia at Germany.

Para bang Philippine Sports Commission ang dating?

Subalit, may kritikal na pagkakaiba ng pinag-uusapang departmento. Una, dahil cabinet-level ang ahensiyang ito, may sarili itong badyet, at hindi na mangangailangang mamalimos sa mga pribadong isponsor. Dadaan ito sa Department of Budget and Management para mabuhay. At makakasama ito sa lingguhang cabinet meeting upang mag-ulat sa Pangulo.

Pangalawa, sasakupin na nito ang lahat ng kaga-napang pang-isports. Sa ngayon, karamihan sa amateur sports ay nasa ilalim ng PSC. Ang mga professional sports ay nasa pangangasiwa naman ng Games and Amusements Board. Ang school sports naman ay wala sa Department of Education at nasa Department of Physical Education and School Sports (BPESS). Ang isang Department of Sports ay mamumuno sa lahat ng sports na mapa-amateur man o professional, grassroots o elite sports development.

Pangatlo, dahil makakatayo na ito sa kanyang sarili (samantalang ang PSC ay nasa ilalim ng Office of the President), makakagawa na siya ng mas mahabang prog-rama para sa sports natin, na madalas nahahati sa grass-roots sports development at elite athletes training.

Marahil ang pinakamahalagang pagbabago ay hindi paputol-putol ang mga programa ng sports sa ating bansa. Sa ngayon, ang madalas mangyari ay --tuwing may bagong political appointee sa PSC--bago ng bago’t hindi naipagpapatuloy ang dating programa, kahit na maganda. Isa pa, dahil mas maliit ang badyet na bigay ng kongreso, maraming magandang ideya na hindi nabibigyan ng buhay.

Sino naman sa mga kandidato ang bubuhay ng planong ito?

vuukle comment

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF PHYSICAL EDUCATION AND SCHOOL SPORTS

DEPARTMENT OF SPORTS

GAMES AND AMUSEMENTS BOARD

OFFICE OF THE PRESIDENT

SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with