^

PSN Palaro

Huwag nang ipilit si Compton

GAME NA! - Bill Velasco -
Matapos ang iisang laro sa PBA, pinag-uusapan kung maaaring isama si Alex Compton sa Philippine team.

Masasabi nating masyado na yatang malayo ang posibilidad nito para pag-isipan pa. 

Ilan din ang isyu na magagamit laban sa pagsali ni Compton. Bagamat napakahusay niyang manlalaro, walang duda na siya ay masipag, mabait at magaling makisama, hindi rin natin mapagkakaila na siya ay Amerikano.

American citizen ang 5’11" na guard na ipinanganak sa Makati Medical Center may 33 taon na ang nakalilipas. 

Tinanong ko noon si Alex kung bakit hindi niya piliin ang Filipino citizenship.

Sinabi niya na nagkaroon ng stroke noon ang kanyang ama sa Wisconsin, at hindi niya puwedeng ipagpalit ang kanyang American citizenship kung sakaling kailangan niyang umalis ng biglaan.

Para kay Alex, una sa lahat ang pamilya. Higit pa rito, lilikha ng panibagong kontrobersya ang kanyang pagsali, at ayaw din naman ito ng dating MBA MVP.

 Pangalawa, masyado nang matanda si Compton para isama sa Philippine team. Halos magsing-edad lang sila ni Olsen Racela, na hindi rin kasali sa Philippine team. Maka-kasabay ni Compton ang mga tulad ni Jimmy Alapag at Jayjay Helterbrand sa backcourt, at hindi natin masasabi pa kung kaya niyang palitan itong mga ito, bagamat walang kuwestiyon sa kanyang kakayahan bilang lider.

 Pangatlo, kung makakasabay ni Compton sa backcourt si Alapag, Renren Ritualo o Mark Caguioa, labis na liliit ang ating backcourt, at mabubugbog tayo sa international competition. Kung pagpipiliin tayo ng shooting guard, siyempre mas malaki ang gugustuhin natin, tulad ni Dondon Hontiveros o Danny Seigle, para mas mahirap tapatan ng ibang bansa.

Kung sakali may point guard tayo na labis ang tangkad, puwedeng itambal dito si Compton. Sa ngayon, malabong mangyari iyon. 

Dagdag pa rito, matagal na ring hindi naging aktibo si Compton, at maging siya ay nabigla nang sabihin sa kanyang makakalaro siya bilang pangalawang import ng Welcoat sa kasalukuyang conference.

Mas kailangan siya ng Dragons ngayon, at marami pang ibang player ang mauuna sa kanyang mahihirang para sa Philippine team. 

Liban dito, rookie pa rin si Compton, at kung seniority ang pag-uusapan, wala namang rookie ang maisasama sa Philippine team, liban kay Kelly Williams, na malamang ay itinatagong baraha pa ni Chot Reyes. At sa palagay ko, mas gusto ni Alex ng tahimik na buhay, at kailanman ay ayaw niyang maging pasimuno ng kontrobersya, lalo na sa basketbol, na mahal na mahal niya.   

vuukle comment

ALEX

ALEX COMPTON

CHOT REYES

COMPTON

DANNY SEIGLE

DONDON HONTIVEROS

KUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with