^

PSN Palaro

Kawawang Koy

GAME NA! - Bill Velasco -
Matapos ihatid ang San Beda Red Lions sa kanilang kauna-unahang NCAA men’s basketball championship sa loob ng 28 taon, sinibak si Koy Banal bilang head coach ng Red Lions sa pamamagitan ng... text.

Matatandaang noong nakaraang taon, 13 panalo ang naitala ng Red Lions sa ilalim ni Banal laban sa iisang talo.

At ang talong iyon (sa kamay ng PCU) ay naganap nang wala siya dahil tinutupad niya ang kanyang mga tungkulin bilang assistant coach ng Purefoods.

Matapos ang pagkatalong iyon, nawalan ng trabaho si assistant coach Jude Roque.

Ilang taon nang hirap ang San Beda dahil kinukuha ng ibang paaralan ang kanilang mga mahuhusay na high school player.

Matapos pahinugin ni coach Ato Badolato, sinusungkit ng ibang kolehiyo. Sa wakas, napanatili nila ang mga matiti-nik tulad ni Borgie Hermida, Bambam Gamalinda, Ogie Menor, JR Tecson at Jay-R Taganas.

Napaganda pa nang dumating ang Nigerian rookie na si Sam Ekwe.

Ang bunga?

Tagumpay para sa San Beda. Marami pa ang umaa-sang tuluy-tuloy na ang pamamayani ng Red Lions dahil si team captain Alex Angeles lamang ang hindi babalik sa darating na season.

Mahigit dalawang buwan na ang nakalilipas nang malaman ni Banal na may posibilidad na hindi magpapa-tuloy ang mga San Beda players sa PBL gaya ng kanyang inaasahan.

Dito nagsimula ang di-pagkakasundo sa pagitan ng coach at paaralan.

Mula noon, mukhang di na naayos ang gusot. Sa oras na isinusulat ito, si Talk ‘N Text team manager Frankie Lim na ang nagpapatakbo ng ensayo ng Red Lions, at siya marahil ang tatayong coach sa paglaban ng San Beda sa UAAP champion UST ngayong hapon sa Ninoy Aquino Stadium bilang bahagi ng BAP-SBP Unity Celebration.

At si Koy Banal? "I know that God will bring me somewhere else where I will fluorish," ang sagot niya.
* * *
Panoorin ganap na alas-3 ng hapon ang programang The Basketball Show: Upgrade sa Basketball TV.

vuukle comment

ALEX ANGELES

ATO BADOLATO

BAMBAM GAMALINDA

KOY BANAL

MATAPOS

RED LIONS

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with