^

PSN Palaro

VALENTINE’S, PAGMAMAHALAN AT PAGLALARO

GAME NA! - Bill Velasco -
Tapos na ang Valentine’s at may mga tanong kung may epekto ba ang pagkakaroon ng isang kasintahan o asawa sa pagiging isang atleta. Marami rin ang kasagutan niyan.

Ayon sa ilang pag-aaral, ang paglabas ng ating mga anak ng mga chemical na nagpapasaya sa atin tuwing mayroon tayong minamahal ay nagtatagal lamang ng halos 18. Ito ay kasabay ng tinatawag na ‘romance stage’ ng karaniwang relasyon. Sa mga panahong ito nagiging mas masayahin tayo at mas madaling magtitiis sa anumang problema.

Subalit sa kabila naman nito ay hindi tayo ganoong kadaling magalit. Sa sports training, karaniwang kinakai-langang manggigil tayo para mapaganda ang ating pagla-laro. Mahirap gawin pag lumulutang sa ulap.

Sa isang panig, ang pagkakaroon ng pamilya ay mala-king insentibo para galingan ang paglalaro. Ito nga naman ang dahilan kung bakit tayo naghahanap-buhay, hindi ba? Pero maaari rin itong maging kahati ng atensiyong kinakaila-ngan ng pagsasanay at paglalaro. Pansinin natin sina Jason Kidd at Vince Carter ng New Jersey Nets. Kapwa dumaan sa masalimuot na divorce, subalit ang laki ng iginanda ng kanilang paglalaro.

May iba ring nagtanong kung may epekto ang pagtatalik bago maglaro. Magkasalungat ang sagot dito ng mga siyen-tipiko. May mga nagsasabing bumababa ang ilang porsi-yento ng athletic performance pagkatapos ng sex, dala ng pagod subalit may mga nagsasabi namang may mga kemi-kal sa katawan na inilalabas natin at nagpapalakas sa atin bilang resulta ng sex (o tinatawag na ‘afterglow’ ), at ito ay nakakatulong ng malaki.

Ang pinakamabigat na katanungan ay kung bakit mara-ming atleta (lalo na raw sa mga basketball player) na humihiwalay sa asawa.

Hindi ito para husgahan sila, subalit sa maraming bansa, ang professional sports ay isang paraan para maibsan ang kahirapan. Dahil dito, madalas napapabayaan ang pag-aaral at nag-aasawa ng maaga. Ang kombinasyon nito ang dahilan kung bakit maraming atleta ay hindi pa handa para sa mas kumplikadong buhay ng may asawa’t pamilya. Idagdag pa rito ang bigla silang magkakaroon ng salapi, at mapapansin ng maraming kababaihan at lalong nagiging mahirap panatilihin ang relasyong may-asawa.

Hindi naman lahat ng atleta ay ganito, subalit marami na masyadong nakikitang halimbawa nila Wilt Chamberlain, Mike Tyson at Kobe Bryant at sila ang mga napapansin. Nawa’y maging halimbawa na lamang sila ng hindi dapat gawin.

vuukle comment

JASON KIDD

KOBE BRYANT

MIKE TYSON

NEW JERSEY NETS

VINCE CARTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with