^

PSN Palaro

Pera ng Pinoy lumalabas kapag ginebra ang laro!

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Ilang araw bago ang labanan sa semis noong  Miyerkules, isang kaibigan namin ang nagtu-ngo sa Big Dome para bumili ng tickets para sa PBA games.

Inagahan daw niya sa pag-aakalang magiging mas madali para sa kanya ang makabili ng tickets sa special ringside o sa lower box man lang.

Laking gulat niya nung mala-man niyang wala na raw tickets sa baba at kung gusto niya ay sa upper box na lang.

‘Yan ang nakatakdang mang-yari hanggang sa finals.

Lalo na kapag Ginebra ang nakarating sa finals.
* * *
Sa dami ng tao sa Big Dome nung Miyerkules, and to think na unang laro pa lang yan sa semis, maitatanong mo tuloy-- "akala ko ba walang pera ang mga Pinoy?

Akala ko ba walang pera ang masang Pinoy na sumusubaybay sa Ginebra?

Sabi nila, naghihirap ang mga Pilipino. Pero kapag Ginebra ang may laro, lumalabas ang pera ni Juan de la Cruz?

Basta makita lang ang Gins, di bale na kung kapusin bukas.

Basta makasama lang sa sigawan at kantyawan sa Araneta, di bale na kung bukas eh mag-skip ng isang meal o kaya o wala na munang pang-merienda.
* * *
Umuwi na may ngiti at saya sa kanilang mga puso ang libo-libong nanood sa Araneta Coli-seum noong Miyerkules dahil sa malaking panalo ng Ginebra.

Kahit na wala si Eric Menk, hindi ito naging hadlang upang ibuhos ng Ginebra ang lahat ng kanilang kakayahan para patau-bin ang Talk N Text. At base sa komento ng marami, mukhang mahirap nang pigilin pa ang pag-punta sa finals ng Ginebra team.

Mukhang wala na munang makakapigil pa dyan.
* * *
Kahit  na medyo mukha silang nangalawang, hindi rin nagpatal-bog ang San Miguel Beer.

Kailangan makabawi ang Red Bull dahil kung hindi, baka Ginebra vs. San Miguel ang ma-panood natin sa finals.
* * *
Sa tingin ko lang, malapit nang makuha ng SPB ang lifting ng suspension natin sa FIBA.

Nararamdaman ko lang.

Gut feel.

Mukhang malapit na yan.

Sana nga.

vuukle comment

ARANETA COLI

BIG DOME

CENTER

ERIC MENK

GINEBRA

KAHIT

LANG

MIYERKULES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with