^

Perang premyo ni ‘Bata’ di kasing laki ng premyong natatanggap ni Pacquiao

() - September 14, 2006 - 12:00am
Matapos si world boxing idol Manny Pacquiao, si cue master Efren "Bata" Reyes na ang sinasabing pinakapopular na Filipino athlete ng bansa. 

Kumpara sa 27-anyos na si Pacquiao, mas mababa ang nakukuhang premyo ng 52-anyos na si Reyes sa kanyang mga paglahok sa malalaking billiards tournament sa ibang bansa. 

At kung gugustuhin lamang niya, magtatatag siya ng isang foundation para mabigyan ng edukasyon ang mga mahihirap na kabataan. 

"Sa bilyar kasi maliliit lang ang mga premyo at ngayon lang talaga nagkaroon ng malaking premyo," sabi kahapon ni Reyes sa kanyang pagdating sa bansa kasama ang kanyang kumpareng si Francisco "Django" Bustamante. 

Ang tinutukoy ni Reyes ay ang kanyang paghahari sa 2006 IPT World 8-Ball Championships sa Reno, Nevada kung saan niya naibulsa ang top prize na $500,000 (P25 milyon). 

Ang nasabing prize purse ang sinasabing pinakamalaki na sa kasaysayan ng pool competition. 

"Iyong kay Manny Pacquiao talagang malalaking premyo ang nakukuha niya matalo man siya o manalo, sa amin sa bilyar, kapag natalo ka, talo ka talaga at wala kang malaking premyong makukuha," ani Reyes. 

Samantala, nakatakda namang umalis bukas sina Reyes at Bustamante para lumahok sa final leg ng 2006 San Miguel Asian 9-Ball Tour sa Jakarta, Indonesia. (RCadayona)

BALL CHAMPIONSHIPS BALL TOUR BATA BUSTAMANTE DJANGO MANNY PACQUIAO REYES SAN MIGUEL ASIAN
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with