^

PSN Palaro

Camacho puntang China para mangalap ng impormasyon

-
Nakatakdang magtungo si Wushu Federation Philippines (WFP) president Julian Camacho sa China ngayong buwan upang kumuha ng impormasyon ukol sa mga events na lalahukan ng mga Chinese sa 15th Asian Games sa Doha, Qatar. 

May nakarating na ulat kay Camacho na ilan lamang sa kabuuang 11 events sa 2006 Doha Asiad ang lalahukan ng China. 

"At kailangan nating malaman kung anu-ano ‘yung mga events na hindi sasalihan ng China so that we can concentrate on that event," wika ni Camacho. 

Sa nakaraang Asian Games sa Busan, Korea noong 2002, tig-dalawang silver at bronze medals ang naiuwi ng mga Filipino wushu artists.

"Kung saan silang events na hindi sasali, doon tayo maglalagay ng entry natin. Kailangan nating malaman kung ano ‘yung mga events na hindi nila sasalihan para makapag-prepare na tayo ngayon pa lang," ani Camacho. 

Ayon kay Camacho, inaasahan niyang makakahugot ang WFP ng isa hanggang dalawang gintong medalya sa 2006 Doha Asiad kagaya ng kanyang pangako kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William "Butch" Ramirez. 

"I can promise one gold medal in the Doha Asian Games pero kung dalawa siguradong mahihirapan kami," ani Camacho. Sa nakaraang 23rd Southeast Asian Games, humakot ang mga Pinoy wushu artists ng kabuuang 11 gold, 5 silver at 3 bronze medals para tanghaling overall champion sa nasabing kompetisyon.  (Russell Cadayona)     

vuukle comment

ASIAN GAMES

CAMACHO

DOHA ASIAD

DOHA ASIAN GAMES

JULIAN CAMACHO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RUSSELL CADAYONA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

WUSHU FEDERATION PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with