^

PSN Palaro

Taiwanese at Pinoy babandera sa San Miguel Beer Asian 9-Ball tour

-
Pangungunahan nina defending tour champion Yang Ching Shun at 2005 World Pool Champion Wu Chia-Ching na kapwa mula sa Chinese Taipei, kasama sina 1999 World pool Champion Efren ‘Bata’ Reyes at dating wolrd number one na si Francisco ‘Django’ Busta-mante ang impresibong cast ng 24 top Asian cue artists na may iisang misyon ang makasungkit ng sapat na qualifying points tungo sa 2006 World Pool Championship ngayong November sa pagsargo ng San Miguel Beer Asian 9-Ball Tour sa Ho Chi Minh City na tata-gal sa May 7.

Ang nasabing Tour ay natatanging ranking tour sa Asia para sa mga players na magku-qualify sa World Pool Champion-ship. Ang top ten finishers sa pagtatapos ng Tour na ito ngayong taon ang awtomatikong eentra sa World Pool Champion-ships bukod pa rito ang nakalaang tour prize money purse na $160,000 para sa apat na legs ng nasabing event.

Ngayong nasa ikaapat na taon na, nag-alok ang San Miguel Asian 9-Ball Tour ng top prize na US$10,000 para sa kam-peon sa bawat yugto at US$5,000 sa runner-up.

Noong nakaraang taon sinikwat ni Yang ang Kaoshiung leg at tumapos ng first runner-up sa dala-wa pang legs, napagwa-gian naman ng Filipinos ang tatlong iba pang legs--si Gandy Valle sa Singa-pore, Reyes sa Jakarta at Ronato Alcano sa Manila.

Ito rin ang ikalawang pagkakataon sa kasay-sayan ng Tour na ang Ho Chi Minh City ay dala-wang ulit na magiging punong abala sa leg ng San Miguel Asian 9-Ball. At sa opening leg ng 2006, ang host country ay kakatawanin ni Thanh Nam Nguyen, Chi Dong Luong, Trong Khai Vu at Phuong Thao Nguyen.

Magsisimula ang kompetisyon sa alas-12 ng tanghali (local time) sa May 5.

Ang San Miguel Asian 9-Ball Tour ay sanctioned ng Asian Pocket Billiard Union at inorganisa ng ESPN STAR Sports’s Event Management Group (EMG). Ang San Miguel Beer ang title sponsor ng Tour.

vuukle comment

ANG SAN MIGUEL ASIAN

ANG SAN MIGUEL BEER

ASIAN POCKET BILLIARD UNION

BALL TOUR

CHAMPION EFREN

CHI DONG LUONG

HO CHI MINH CITY

SAN MIGUEL ASIAN

TOUR

WORLD POOL CHAMPION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with