^

Supplements

Pacquiao torchbearer sa SEAG opening

Chris Co - The Philippine Star

MANILA, Philippines — Tatayong torchbearer si eight-division world champion Manny Pacquiao sa opening ceremony ng 2019 Southeast Asian Games na idaraos sa Nobyembre 30 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ito ang ikalawang pagkakataon na pamumunuan ni Pacquiao ang pambansang delegasyon kung saan naging flagbearer na ito noong 2008 Olympic Games sa Beijing, China.

Si Pacquiao ang opisyal na magsisindi ng SEA Games cauldron na magiging simbolo ng opisyal na pagbubukas ng palaro.

Si Pacquiao ang pangunahing tagasuporta ng Team Philippines sa SEA Games. Nagbigay pa ito ng inspirational message sa mga atletang sasabak sa biennial meet.

Orihinal na torchbearer si world champion Carlos Edriel Yulo ng gymnastics.

Subalit hindi ito maaaring maging torchbearer dahil sa conflict sa skedyul ng gymnastics competition at opening ceremony.

Magsisimula ang gymnastics competitions sa Disyembre 1-- isang araw matapos ang opening ceremonies.

Nais ng mga opisyales na makapagpahinga si Yulo bago sumalang sa kanyang mga events sa SEA Games.

Target ni Yulo na walisin ang lahat ng pitong gintong medalyang nakataya sa men’s artistic gymnastics.

Kasalukuyang nasa Tokyo, Japan si Yulo para paghandaan ang SEA Games at ang pagsalang nito sa 2020 Olympic Games.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with