^

Bansa

Bulkang Mayon, nakataas na sa Alert Level 2

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bulkang Mayon, nakataas na sa Alert Level 2
A local tourist shared this magnificent scenery of the Mayon Volcano as seen from an airplane during their flight back to Manila on August 25, 2022.
Photo by Vaj Ibay

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Mayon sa Bicol ay itinaas na ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 ang kalagayan ng bulkan.

Itoy matapos maitala ng ahensya ang paggalaw ng lupa sa paligid ng bulkan at ang paglabas ng makakapal na usok sa bunganga nito.

Sa nakalipas na 24 oras, naitala ang isang volcanic earthquake at isang pagbulusok ng maliliit na bato.

Mayroon ding naiulat na pamamaga ng lupa o ground deformation habang 294 tonelada ng sulfur dioxide kada araw ang ibinuga mula pa Enero 18.

Dahil dito, agad inirekomenda ng Phivolcs sa lokal na pamahalaan ng Albay na ipagbawal ang pagpasok ng sinuman sa loob ng 6 kilometer danger zone sa paligid ng bulkan dahil sa posibleng pagtaas ng aktibidad ng Mayon.

Nagpaalala rin ang ahensya na posibleng makaranas ng phreatic explosion, rockfall mula sa tuktok ng bulkan at pagdaloy ng lahar kung may malakas na pag-ulan doon.

vuukle comment

MAYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with