^

Pang Movies

Ina, parang hindi tumatanda

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang bongga naman ni Ina Raymundo na nag-celebrate ng kanyang 47th birthday kahapon. Grabe ang sexy nito sa mga pinost nitong photos sa Instagram. Hot momma talaga ang datingan nito.

Empowering ang pictures nito na may kasamang empowering message. Suot ang two-piece bikini, lutang ang saya sa mukha ni Ina at halatang healthy, confident at strong ito. Hindi nga halatang malapit na itong mag-50 dahil mukhang mas bumabata at nagiging hot pa ito habang tumatagal. Ayon sa netizen, ang kaseksihan nito ang goals ng mga mommy. Meron pang nagkumpara sa kanya sa bampira dahil hindi nga ito tumatanda. Parang kapatid lamang nito ang mga anak na sina Erika Rae at Jakob na parehong namana ang magandang mukha ng kanilang mommy.

Sa caption nito sa kanyang Instagram post: “Be kind, be strong, be you” na may kasamang hashtag na #47 na tinutukoy ang kanyang edad.

Kaya naman nag-trending agad ang post nito na inulan ng likes at comments. Puring-puri siya ng kanyang mga kaibigan at netizens.

Pati ang kanyang best friend na si Giselle Sanchez ay nag-comment ng “And the award for best mother, best dancer and best friend goes to the birthday girl bff @inaraymundo95 ! Happy Birthday mi amiga! Can’t wait to see you! We will rock it!”

Talagang kahanga-hanga ang pag-aalaga sa sarili ni Ina. Hindi lang ito maganda at sexy, talented pa ito. Ang galing-galing nitong sumayaw sa mga post nito na talang puno pa rin ng energy.

Happy birthday, Ina!

vuukle comment

INA RAYMUNDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with