^

Pang Movies

Marian, kayamanan lagi ang bitbit na bag

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Marian, kayamanan lagi ang bitbit na bag

Tila nagiging favorite ni Marian Rivera ngayon ang Schiaparelli at twice na siyang spotted sa isang event na ang nasabing brand ng bag ang dala. Unang nakita si Marian na gamit ang isang Schiaparelli Anatomy Jewel Bag na sa peso ay aabot sa P317,000.

Ito ‘yung tinawag na “face bag” dahil may eyes at mouth. Ang eyes sa bag ay a “nod to the Surrealist artist Jean Cocteau” na nakarelasyon daw ni Elsa Schiaparelli. Ang mouth sa bag ay sumisimbolo naman sa collaboration nina Schiaparelli at Salvador Dali.

Ang second time na nakita si Marian, Schiaparelli Bijoux Secret Padlock bag made of lambskin naman ang gamit. Ang presyo raw nang nasabing bag sa peso ay P347,915 at magbabago kapag nagbago ang exchange rates.

Kayamanan na ang presyo ng dalawang Schiaparelli bags, more than half a million pesos at siguradong may iba pa siyang ganitong bag.

Speaking of Marian, sinorpresa nila ni Dingdong Dantes ng birthday treat ang isa nilang kasambahay. Pasasalamat ito ng mag-asawa sa pagiging hardworking at loyal ng kanilang mga kasambahay.

Sharon, ginawang comedy ang Tiktok

Ang killjoy ng ibang netizen, napanood lang ang TikTok ni Sharon Cuneta na nagsasayaw, may mga comment agad na hindi naman daw ito dancer, bakit nagsasayaw pa? Ayun, sinopla siya ng fans ni Sharon at ang tanong sa kanya, dahil ba hindi dancer ang isang tao, hindi na puwedeng magsayaw?

Napanood naman sa TikTok na nag-i-enjoy lang si Sharon sa pag-indak sa beat ng music na Take Me To Your Heart. Hindi nakita ang kasama niya sa frame na siyang nagtuturo sa kanya ng steps at tila nagbibilang pa si Sharon.

Nakakatuwang mapanood si Sharon na sumasayaw na in the end, ginawa na lang nitong comedy ang lahat. Pero, tama ang kanyang fans, bakit kailangang seryosohin ang lahat? Hindi ba puwedeng nag-i-enjoy lang siya.

Anyway, ibinalita ni Sharon na magkakaroon ng repeat ang Iconic concert nila ni Regine Velasquez sa US sa March 2023.

Hindi pa binanggit ni Sharon kung saan sa States ang concert nila ni Regine, pero marami na ang request na isama nila ang mga lugar na hindi nila napuntahan sa unang Iconic concert.

Andi, nakipag-ayos na kay Jaclyn

Kahit hindi kakilala, natuwa ang netizens sa balitang sa pagpunta sa Manila ni Andi Eigenmann at ang kanyang pamilya, binisita nila si Jaclyn Jose. Comment ng isang netizen, “happy to see na pinuntahan nyo si mommy Jaclyn.”

Sa mga pinost na photos ni Andi habang nasa Manila sila, kabilang doon ang pakikipagkita sa ina na nagpahayag ng pagtatampo kay Andi dahil hindi siya nito binati noong kanyang birthday. Tapos may naging paha­yag pa si Andi tungkol sa narcissist parent.

Eh, si Jaclyn na lang ang parent niya, sino pa ba ang maiisip ng nakabasa kung sino ang kanyang tinukoy?

Nakipagkita rin si Andi sa kanyang siblings na sina Gabby Eigenmann at misis nitong si Apple, ang sister niyang sina Max at Stevie. Wala lang si Sid Lucero na busy yata.

Sa pagbisita ni Andi sa ina, siguradong nawala na ang tampo ni Jaclyn at ipa-follow na uli niya sa Instagram ang anak.

Tamang-tama sa Pasko at Bagong Taon, bati na ang mag-ina.

Aicelle, tuloy ang pagluluksa

Namimighati si Aicelle Santos sa pagpanaw ng kanyang ina at noong isang araw, pinost niya sa Instagram ang isang tula para sa inang si Leonila Santos.

Nalungkot din ang mga nakabasa sa tula ni Aicelle sa ina.

Matatandaang na-comatose ang mom ni Aicelle at mula noong ma-comatose, hindi na nagising. Dahil nga sa malaking hospital bills, nag-Go Fund Me drive sina Aicelle at kapatid nitong si Aaron.

Nag-birthday noong isang araw ang anak nina Aicelle at Mark Zambrano na si Zandrine. Naisip siguro ni Aicelle na mas masaya kung kasama pa nila ang kanyang ina, pero alam niyang tahimik na ang ina sa kinaroroonan nito ngayon.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with