^

Bansa

Pagkastigo ng DSWD sa mga pabayang ama, sinopla ng DOJ

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Department of Justice (DOJ) si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na huwag ituloy ang plano na sitahin sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulat ang mga ama na kinakalimutan ang obligasyon sa kanilang mga anak.

Sa legal na opinyon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla noong Oktubre 25, sinabi niya na ang plano ni Tulfo ay labas na sa mandato, kapangyarihan at gawain ng DSWD base sa Administrative Code of 1987 (Executive Order No. 292) at DSWD Citizen’s Charter 2022.

Plano kasi ni Tulfo na magpadala ng sulat sa mga ama na nakatala sa birth certificate ng mga bata na napapabayaan. Ito ay para mapaalalahanan sila sa kanilang obligasyon na magbigay ng suportang pinansyal sa kanilang mga anak at kung hindi magagawa ay posibleng maharap sa kasong sibil o kriminal.

Ayon kay Remulla, may problema sa naturang panukala. Ipinaliwanag niya na ang sulat na ipadadala ay maaaring ihalintulad sa isang demand letter at lumalabas na nag-aabogado ang DSWD sa mga bata.

Pero aminado si Remulla na kahanga-hanga ang layunin ni Tulfo, ngunit hindi umano ito trabaho na ng DSWD. Mas maaaring sakop umano ito ng ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng Public Attorney’s Office (PAO).

“Moreover, only the courts can legally compel those fathers to give financial support to their child/children pursuant to a case filed for that purpose,” dagdag ni Remulla.

Sa halip na sila ang prumonta, pinayuhan ni Remulla ang DSWD na i-refer ang kaso ng mga napaba­yaang bata sa PAO at iba pang ahensya na nagbibigay ng tulong legal.

vuukle comment

DOJ

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with